Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

STL nanatiling front ng jueteng? Anomalya sa PCSO dapat imbestigahan

HINDI talaga kayang pagtakpan ng ‘propaganda’ ang hindi nalulutas na iregularidad sa bakuran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kahit naman anong paliwanag ang sabihin ng PCSO officials na nalutas na nila ang isyung ang Small Town Lottery (STL) ay front lang ng jueteng, walang maniniwala rito dahil ramdam na ramdam na mayroon pang jueteng.

Huwag na tayong lumayo. Diyan lang sa south Metro, ilang beses na nating pinuna ang reklamong hindi nagre-remit ang Happy Cool, isang kompanyang may prankisa ng STL.

Sa Bicol Region at sa Visayas region, hindi ba’t ganyan din ang reklamo?! Walang remittances na natatanggap ang PCSO mula sa mga kompanyang binigyan nila ng prankisa.

E kung ganyan din naman ang nangyayari, bakit kailangan pang magbigay ng prankisa sa mga pribadong kompanya?!

Bakit hindi gobyerno na lang ang magpatakbo ng STL at direktang mag-ulat sa pamahalaan?!

Ano ang silbi ng mga opisyal ng PCSO kung hindi rin nila nababantayan ang remittances ng STL na para sa gobyerno?!

Ang daming opisyal ang pinasusuweldo ng PCSO bukod pa sa per diem kapag mayroon silang mga meeting tapos hindi kayang i-consolidate ang kita ng gobyerno mula sa STL?!

Wattafak!

Panahon na talaga siguro para kanselahin ang pagbibigay ng prankisa ng STL sa mga priba­dong kompanya.

Umpisahan na ‘yan!

 

MAYNILAD,
MANILA WATER
ANONG NANGYARI
SA TUBIG?!

IMBES maging abante ‘e paatras talaga ang serbisyo ng mga kompanyang dapat mangalaga sa batayang pangangailangan ng mga mama­mayan gaya ng tubig.

Hindi natin maintindihan kung bakit kinakapos ang supply ng tubig ng Manila Water gayong isa lang naman ang pinagkukuhaan nila ng supply ng Maynilad?!

At ang higit na nakaiinis dito, nawawalan ng serbisyo nang walang abiso at walang alter­natibo.

Mismong ang PAGASA at ang MWSS ang nagsasabing sapat ang supply ng tubig tapos mayroong isang concessionaire (Manila Water) na nagsasabing kulang ang supply ng tubig?!

Aba, baka dapat na rin dispatsahin ‘yang kompanya na ‘yan sa operasyon ng MWSS?!

Kung mawawalan talaga ng tubig, dapat na handa ang mga kompanya ng tubig na bigyan ng alternatibong mapagkukuhaan ang mama­mayan.

Ang bilis ninyong maningil tapos kapag may problema walang aksiyon?!

TUBIIIIG!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …