Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Buy-bust sa Vale, 7 huli

PITONG lalaki na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang sinasabing tulak na target ng isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City ang inaresto, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Valenzuela police chief S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 12:10 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa ilalim ng pamumuno ni Chief Insp. Jowilouie Bilaro ng buy-bust operation laban sa isang Freddie Tayco sa Lower Tibagan, Brgy. Ugong, ng nasabing lungsod.

Nagawang makabili sa suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P300 ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer at nang makaabutan agad lumapit ang iba pang mga operatiba at inaresto si Tayco.

Napansin ng mga operatiba sina Jose Lenny Balajadia, Peit Regatcho, Timoty Marinduque, Rogelio Hubilla, Rodante Dellosa, at Ronald Loyola na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang walang numerong bahay sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaresto sa kanila.

Nakompiska sa mga suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, ilang drug paraphernalia at itim na coin purse. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …