PALIBHASA’Y mga lumang tao, kaya luma rin ang estilo ng pangangampanyang alam ng mga ‘trying hard bankala’ nina Pasay City Mayor Tony Calixto, na ngayon ay tumatakbong congressman, at ng kanyang utol na si Rep. Emi Calixto-Rubiano na ngayon naman ay tumatakbong alkalde ng lungsod.
(By the way, totoo ba na may pagkasuplada raw si Madame Emi?)
Kaya siguro nitong nakaraang linggo, walang ginawa ang mga ‘tropang fake news’ kundi pawang demolition job ang tirada sa kanilang magkapatid.
Kesyo, sinampahan umano ng kaso sa Ombudsman kaugnay ng katiwalian?!
Aba, patapos na’t lahat ang termino ni Yorme ‘e wala naman bagong asunto sa Ombudsman.
May tirada namang, kulelat daw sa survey.
E kahit nga hindi nagpapa-survey ang mag-utol na Calixto, sila pa rin ang lumalabas na No. 1 sa survey.
Pero dahil hindi kinakagat ng publiko ang mga demolition job ng mga kalaban, ang tiradang demolisyon naman ngayon ‘e narco-politician daw ang mga Calixto?
Wattafak!?
Personal nating kakilala si congressman-to-be Tony Calixto at kahit hindi kami madalas nagkakausap o nagkakape, iisa lang ang alam nating hilig niya — kabayo at si Bing Tecson.
Hindi niya ikinakaila ito pero siyempre hindi rin naman niya kailangang ipamarali.
Mukhang desperado na talaga ang mga kalaban sa politika ng mga Calixto, kasi maging ang mga patayan, sa kanya na rin ibinibintang.
Juice colored!
E sino bang maniniwalang bayolenteng tao si mayor Calixto?!
Alam nang lahat sa Pasay na mahinahong tao si Tony Calixto at hindi mapagpatol sa mga mahilig mang-urot. Siya yata ang taong kung magalit man ay nakangiti pa.
Payo ko lang sa mga utak-talangka sa kalabang partido ay mas maigi sigurong mag-isip naman kayo ng ibang gimik…
Kasi, tiyak na hindi papatok ‘yang mga tirada ninyo sa Pasay constituents.
Uulitin lang po natin, walang kahilig-hilig magpa-survey ang mga Calixto, pero nakikita naman ninyo, lagi silang No. 1 sa puso ng mamamayang Pasayeño.
Kaya ‘yung mga hindi mapakali, just eat your heart out!
Serbisyo hindi tsismis ang kailangan ng tao.
‘Yun lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap