Sunday , December 22 2024

Dahil sa delay na nat’l budget… 9-M aso walang bakuna —Suarez

NAGBABALA si House minority leader Danilo Suarez kahapon sa dumaraming aso na walang bakuna

Ayon kay Suarez umaabot na sa 9 milyon ang aso sa bansa at 10 porsiyento lamang dito ang may bakuna.

Sa  kabila nito, sinabi rin ni Suarez na walang anti-rabies vaccine ang mga ospital ng gobyerno sakaling makagat ng dumaraming asong walang bakuna.

“May nakagat ng aso at walang gamot sa rabies ‘yung ospital,” ani Suarez sa isang press conference kahapon.

Ayon kay Suarez, apektado na ang pangu­nahing serbisyo sa tao sa hindi pagpasa ng 2019 pambansang budget  ng Kongreso.

“So that’s a risk in terms of the safety of our citizen na nakakagat ng aso considering that rabies is fatal,” ani Suarez.

Aniya dapat nang tiyakin ng Kongreso sa susunod na taon naa magkaroon ng sapat na budget ang mga ospital sa pagbili ng anti-rabies vaccine at iba pang kagamitan.

Isinisi ni Suarez ang kawalan ng mga gamot sa ospital ngayon sa delay na pagpasa ng 2019 budget.

“The current lack of funds of public hospitals is due primarily to the delayed passage of the 2019 proposed national budget,” ani Suarez.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *