Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Grace Poe
Grace Poe

Motorsiklo bilang public transportation, lusot na sa komite sa Senado

INAPROBAHAN na ng Senate committee on public services ang panukalang magpapahintulot sa paggamit ng mga motorsiklo bilang pampasaherong sasakyan tulad ng  Angkas.

Hiwalay na inakda ang Senate Bill Nos. 2173 at 2180 at Senate Resolution 993 nina Senadora Grace Poe, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Sen. JV Ejercito at nakalusot na bilang alternatibong public transportation sa ikala­wang public hearing kama­kailan.

“Kinikilala natin na ito ay alternatibo at kailangan ng transportasyon papunta sa main hub… kaya ito ay ikinokonsidera natin,” ani Poe na siyang chairman ng komite.

“Mayroon pong de­mand para rito sapagkat mas mura, mabilis at kom­portable ang pagmomotor dahil sa matinding siksikan ng mga sasakyan,” dagdag ni Poe.

Sa kabila na suportado ni Poe ang mas murang mode of transportation, dapat umanong magkaroon nang sapat na kaalaman at training ang mga rider at mayroon din dapat na accident insurance ang mga pasahero nito.

“Bagama’t mayroong demand, hindi naman natin maikakaila ang inherent vulnerability ng mga motorsiklo sa mga aksidente; at dahil dito, nararapat na mas matindi ang safety requirements sa motorsiklo,” dagdag niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …