Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Death threat, talbog na tseke, sa ambush kay Yulo

HUMAHARAP sa patong-patong na reklamo dahil sa mga talbog na tseke at nakatatanggap ng mga banta sa buhay bago pinaslang ang negosyanteng si Jose Luis Yulo noong Linggo sa EDSA.

Dalawang suspek na na­kasakay sa motorsiklo ang walang habas na namaril sa sinasakyang Toyota HiAce van ng biktima na kanyang ikinamatay at ng driver na si Allan Nomer Santos habang sugatan ang kasama nilang babae na si Esmeralda Ignacio na isang stock broker.

Sa impormasyon na nakalap nina S/Supt. Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong police, humaharap si Yulo sa 14 reklamo dahil sa tumalbog na mga tseke samantala nagsampa rin ng reklamo ang negosyante dahil sa mga natatanggap niyang pag­babanta sa kaniyang buhay.

Kasalukuyang sinusuri ng pulisya kung may kaugnayan ang mga reklamo laban sa biktima sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Kabilang sa mga negosyo ni Yulo ay real estate, pagdi-distribute ng gun accessories at pagbebenta ng mga sasakyan.

Dagdag ni Villaceran, natag­puan din sa bag ng negosyante ang kargadong .38 kalibre ng baril at 12 pang rounds ng bala.

“Tinitingnan namin bakit mayroon siyang baril despite ng [election] gun ban. Mayroon bang threat? Mayroon bang alam niyang nanganganib ang buhay niya?” pahayag ni Villaceran.

Iimbitahan ang mga kaanak ni Yulo para sa pormal na imbes­tigasyon habang pag-aaralan ng pulisya ang surveillance footage sa paligid ng pinangyarihan ng insidente upang makita kung saan patungo ang tumakas na mga suspek.

Inilinaw ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na kapangalan lamang ni Chamber of Commerce of the Philippine Islands President Jose Luis U. Yulo Jr. ang pinas­lang na biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …