Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Opening salvo ng election campaign rumatsada na

NAGSIMULA na kahapon ang kampanya para sa mga senador.

Ang Hugpong Ng Pagbabago (HNP) ay naglunsad ng kanilang kick-off rally sa Pampanga habang ang Otso Diretso ay sa Caloocan rumampa.

Umpisa na. Kanya-kanyang boladas at pangako. Gaya nang iaahon sa hira, bibigyan ng disenteng tahanan, libreng pag-aaral, trabaho etc.

Pero kapag nakapuwesto na mahirap na silang hanapin.

Sa ngayon kanya-kanyang gimik mula sa TV ads, kanya-kanyang kuha ng IT experts na kayang-kayang maglunsad ng syndicated blogs, at bloggers na daan-daan ang social media accounts para gamitin nila sa pagpapabango ng kanilang kandidato at pagba-bash sa kalaban.

Mga PR firm na lahat ay gagawin ay para bumango ang kanilang kliyente.

Lahat ‘yan ay gagawin ngayon ng mga kandidato.

Marami sa mga kandidatong senador ay mga reelectionist — at halos 80 porsiyento sa kanila ay mga ‘milyonaryo.’

At ang layunin daw ng mga bilyonaryo at milyonaryong ito ay mag­lingkod sa bayan.

Wattafak!

E kung gusto nilang maglingkod at tumulong at labis-labis naman ang kanilang resources bakit kailangan pang pumasok o maghangad ng posisyon kung may kakayahan naman palang tumulong sa sariling pamamaraan?!

‘Yan kayang mga nagtatakbohang senador ay kayang ibukas ang kanilang mala-palasyong tahanan sa mga nagdarahop nating mga kaba­bayan?!

Ibubukas kaya nila ang kanilang mga kusina para sa mga nagugutom nating kababayan?!

Pero sa panahong ito, ito ang pagkakataon para mayakap ninyo sila kahit nanggigitata kayo at amoy-pawis.

Huwag din kayong magtaka kung sila pa mismo ang lumapit sa inyo para yakapin kayo. Kamayan kayo isa-isa kahit ang dumi ng mga palad at kuko ninyo.

‘Yan po ang nagagawa ng panunuyo sa mga botante.

Kaya paalala lang po natin sa mga botante, mag-isip-isip nang mabuti at huwag maging pabigla-bigla sa pagboto.

Sabi nga sa lumang kasabihan: tanggapin ang pera pero ibasura ang mga mandarambong at trapo!

PIA: IBALIK
ANG TIWALA
SA BAKUNA 

NANAWAGAN si House Deputy Speaker Pia Cayetano sa  sa mga ina na ibalik ang kanilang tiwa­la sa mga bakunang subok nang nakapipigil sa mga sakit tulad ng tigdas, polio, chicken pox at iba pa.

Sumentro ang panawagan niya sa mga nanay at sa lahat ng dumalo sa unang campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago ( HNP) sa Pampanga tungkol sa seryosong problema ng measles outbreak sa ilang rehiyon ng bansa, kasama na ang Central Luzon.

Nanindigan si Cayetano na sa kanyang araw-araw na pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas, patuloy siyang mananawagan at makikiusap sa mga nanay na ibalik ang kanilang tiwala sa bakuna dahil ayaw niyang may isa pang ina na mawalan ng anak.

“Malapit ‘yan (immunization) sa puso ko dahil ho ako ‘yung may-akda ng Mandatory Immunization, isa sa unang batas ko noong ako ho’y pumasok sa Senado,” panimula ni Cayetano, ang pangunahing may-akda ng Mandatory Infants and Children Immunization Act (Republic Act 10152).

Hinimok niya ang mga ina na pabakunahan ang kanilang mga anak upang mailigtas sila sa mga mas seryosong komplikasyon ng sakit.

“Kapag ang mga anak natin, hindi natin pinabakunahan, ‘yan ho ang pinakanakatatakot,” dagdag ni Cayetano.

Sa kanyang talumpati, naikuwento niya ang kanyang personal na karanasan, namatayan siya ng anak dahil ipinanganak itong maraming kapansanan.

“Dinadasal ko, sana may bakuna para sa sakit ng anak ko, nang hindi siya nagkaganoon,” paggunita ni Cayetano sa naging karanasan niya bilang ina.

“Nawalan ako ng anak, hindi ko kagagawan, ‘yun na talaga ang tadhana namin. Pero ‘yung hindi lang nabakunahan, maiiwasan po ‘yun,” paalala niya sa mga inang patuloy na nagdududa sa kahalagahan ng bakuna.

Nagsilbi si Pia Cayetano nang 12 taon bilang senador mula 2004-2016 at tatlong taon bilang kinatawan ng Pangalawang Distrito ng Taguig, mula 2016 hanggang kasalukuyan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *