Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bam, dapat makabalik sa senado — Sen. Ping

KUNG si Senador Ping Lacson ang masusunod, gusto niyang makabalik sa panibagong termino sa Senado si Senator Bam Aquino dahil masipag at seryosong magtrabaho kapag nagsusulong ng mga panukala para sa mga mamamayan.

Ayon kay Lacson, nakita niya kung paanong hirap ang inabot ni Sena­dor Bam para maging batas ang libreng kole­hiyo.

Binigyang-diin ni Lacson pinagsumikapan ni Sen. Bam para maipasa ang Universal Access to Quality Tertiary Edu­cation Act dahil siya mis­mo ang author at prin­cipal sponsor nito.

“Kapag napag-uusa­pan ang libreng matrikula sa kolehiyo, ang unang naiisip ko, si Senador Bam Aquino. Alam kong siya ang nagtiyagang itulak ito sa Senado bilang author at Principal Sponsor ng Free Tuition Law,” wika ni Sen. Ping.

Ayon kay Sen. Ping, ang author o may-akda ay nagsusulat ng batas, ngunit mas mabigat ang trabaho ng sponsor da­hil ito umano ang nag­ta­­tanggol nito sa ple­naryo.

“Ang sponsor, siya ang nagde-defend. Iyon ang mas mahirap na gawin, kasi tatayo ka roon, tatanungin ka ng mga kasamahan mo, idedepensa mo ‘yung bill, ‘yung panukalang batas na itinutulak mo,” paliwanag ni Sen. Ping.

Paliwanag pa ni Ping, mahirap ang trabaho ng sponsor dahil kailangan nitong sagutin ang mga detalye ng panukala, hanggang sa kaliit-liitang detalye nito.

“Ang magde-defend, iyan ang napakahirap, kasi napakaraming pilo­sopo kaming kasama roon, tatanungin ka ng kaliit-liitang detalye ng panukalang batas, o ‘yung bill, na idinedepensa mo,” sabi ni Sen. Ping.

Nang maisabatas ang libreng kolehiyo, agad kinilala ni Sen. Ping sa kanyang Twitter account ang pagsisikap ni Sen. Bam upang ito’y mai­pasa.

Aniya, bago pa man angkinin ng iba ang papuri, sinabi ni Sen. Ping na si Sen. Bam ang prin­cipal sponsor ng libreng kolehiyo. Nagpahayag din ng buong suporta si Sen. Ping sa hangarin ni Sen. Bam na makakuha ng ikalawang termino sa Senado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …