Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

19-anyos Chinese national binangungot?

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 19-anyos Chinese national sa loob ng kanyang con­do­minium unit sa Pasay City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, ang biktima na si Chen Rongzhen, nanini­rahan sa Unit 1203, Tower B, Shell Residence Condo­minium na matatagpuan sa Sunrise Drive, MOA Complex, Barangay 76, Pasay City.

Sa isinagawang pag­si­siyasat nina  SPO3 Genomar Geraldino at PO2 Jimmy Rufo, ng Pasay City Police, natag­puan ng kanyang room­mate na si Su Guizhang, 32, may asawa, IT emplo­yee ng Eastfield Center, isa rin Chinese national, ang biktima na walang malay at hindi na kumi­kilos sa loob ng kanyang silid sa nabanggit na condo unit, dakong 10:40 ng umaga.

Agad tinawagan ni Guizhang ang kanilang Chinese Administrative Officer na si Zhang Yuhong upang ipaalam ang kondisyon ni Rong­zhen kaya agad tumawag sa Lifeline Makati Medical Center para magpadala ng ambulansiya.

Pero pagdating ng medical personnel, naba­tid nilang wala nang pulso at malamig na ang katawan ng biktima.

Sa pahayag sa pulisya ni Guizhang, bago matagpuang patay ang roommate, kumain uma­no ng maraming seafood at sobrang nalasing ang biktima noong Sabado ng gabi.

Sa pagsusuri ng SOCO-SPD team sa pangunguna ni S/Insp. Elena Mediana, walang nakitang mga sugat sa katawan ni Rongzhen.

Dinala ang labi ng biktima sa Veronica Fune­ral Parlor para sa awtop­siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …