Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Crackdown vs illegal aliens sa casino dapat tutukan ni Labor Sec. Bello

BUKOD sa magandang relasyon ngayon ng mga pinuno ng ating bansa at ng China, oportunidad para makapagtrabaho sa Filipinas ang tinitingnang bentaha ng ilang Chinese nationals kaya naman sandamakak na sila ngayon sa Perlas ng Silangan.

Ayon sa ilang impomante, ang legal na Chinese workers ay gumagastos nang halos P50,000 para maging legal na manggagawa sa bansa.

‘Yan gastos na ‘yan ay inaabonohan ng agency at pagdating sa Filipinas ay kinakaltas sa kanilang suweldo.

Dahil sa ganyang kalakaran, maraming Chinese ang minabuting pumasok bilang turista sa ating bansa at saka mag-o-overstay at papasok sa mga online gaming.

Korek, karamihan sa mga trabahong napa­pasukan nila ay mga online gaming. Hindi natin alam kung bakit karamihan sa kanila ay ‘henyo’ sa skills na ‘yan.

Mukhang sanay na sanay sila sa mechanics ng iba’t ibang uri ng ‘laro o sugal’ kaya ‘yan ang hinahanap nilang hanap­buhay na nagkataong marami rito sa Filipinas.

Pero mukhang hirap umano ang Depart­ment of Labor (DOLE) para isulong ag kanilang ‘crackdown’ laban sa illegal aliens na umaagaw sa oportunidad ng mga Pinoy na puwe­deng magtrabaho sa mga legal na online gaming establish­ments.

Pero sabi nga, kapag gusto may paraan, kapag ayaw, maraming dahilan.

Hindi ba puwedeng makipag-ugnayan ang DOLE sa Bureau of Immigration (BI) para mains­peksiyon nila ang maraming online gaming dito sa Metro Manila?!

Sabi nga mga taga-BI, “Mission Order” lang ang katapat niyan.

Puwede naman umanong inspeksiyonin ‘yang mga online gaming na ‘yan at hilingin na ipakita ng mga empelyadong alien ang kanilang work permit.

Palagay naman natin ay makikipagtulungan ang mga online gaming establishments kapag nagpakilala ang mga awtoridad.

Hindi dapat matakot ang mga dayuhan kung legal naman ang kanilang mga pape­les.

Umaasa tayo na magiging seryoso si Secretary Bello sa pagpapatupad ng crack­down laban mga illegal aliens.

Raise the roof, Secretary Bello!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *