Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
xi jinping duterte

State visit ni Xi Jinping turning point sa PH-China relations

TURNING point sa Fili­pi­nas at China ang dala­wang araw na pagbisita sa bansa ni Chinese Pre­sident Xi Jinping.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pane­lo, ito ang magla­lagay ng selyo sa magan­da nang relasyon ngayon ng dalawang bansa.

Ayon kay Panelo, ang kauna-unahang state visit ng  isang Chinese leader mula noong 2005 o maka­lipas ang 13 taon ay tanda ng special partnerships ng China at Filipinas bilang mga mangangalakal at entrepreneurs na human­tong ngayon sa masiglang pag-unlad.

Maituturing aniyang top trading partner at na­ngungunang export mar­ket ng Filipinas ang Chi­na.

Isang malaking opor­tu­ni­dad ito ayon kay Pa­nelo para lalo pang mapa­lakas at mapanatili ang magandang bilateral rela­tions ng Filipinas sa isang dayuhang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na kinikilala ng Malacañang ang pagsisi­kap ni President  Xi na maitaguyod ang kapaya­paan at katatagan sa rehiyon sa pamamagitan ng mga dialogo at kon­sultasyon para sa tamang pagtrato sa isyu ng South China Sea.

Naniniwala rin si Pa­nelo na malulutas ang hindi pagkakaunaawan kung magiging mas mala­pit at malakas ang ugna­yan ng dalawang bansa laban sa banta sa segu­ridad, tulad ng terorismo, marahas na extremism, kriminalidad at problema sa ilegal na droga.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …