Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
OFW kuwait

Aplikante sa Kuwait Airways dumagsa (P56,000 sahod kada buwan)

BAGAMA’T Linggo, dinagsa ng mga aplikante ang unang araw ng pasahan ng aplikasyon para sa higit 400 traba­hong iniaalok sa mga Filipino ng Kuwait Airways, ang flag carrier ng bansang Kuwait.

Nasa 100 aplikante ang nagtungo nitong Linggo sa Yaazeemir International Manpower Agency sa Ermita, May­nila, tanggapan na maaaring mag-aplay para sa Kuwait Airways.

Ayon sa mga aplikante, hangad nilang makapagtrabaho sa Kuwait para makaipon at makatulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Napag-alaman, na­nga­ngailangan ng 459 manggagawang Filipino ang Kuwait Airways dahil sa pagbubukas kamakailan ng Kuwait Airways Terminal 4.

Kabilang sa mga posisyong iniaalok ng Kuwait Airways ang traffic officer, assistant traffic officer, assistant load control, assistant cargo officer, cargo opera­tor, cargo coordinator, at baggage sorter.

Maaaring sumahod nang hanggang KD325 o higit P56,000 kada buwan ang mga matatanggap, at libre ang tiket sa pag-uwi sa Filipinas kapag natapos ang dalawang-taon kontrata.

May posibilidad din umanong ma-renew ang kontrata kapag naging maganda ang perfor­mance sa trabaho.

Tatagal hanggang 17 Nobyembre 2018 ang panahon ng aplikasyon.

Para sa mga intere­sado, maaaring magsu­mi­te ng aplikasyon sa Yaazeemir International Manpower Agency sa Room 405, 4th floor ng AP Building 1563, F. Agon­cillo corner Pedro Gil Street sa Ermita, Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …