Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alessandra de Rossi Paolo ContisAlessandra de Rossi Paolo Contis

Paolo, iba ang humor — Alessandra

Samantala, istorya ni Alex ang Through Night & Day pero dahil busy siya sa taping ng Since I Found You ay hindi niya nagawang tapusin kaya pinatapos niya ito sa kaibigan niyang si Noreen Capili na isa sa scriptwriter ng mga programa ng ABS-CBN at may-akda ng mga librong The Goodbye Girl at Parang Kayo Pero Hindi na nilimbag naman ng Anvil Publishing, Inc..

Noong nabuo na ni Alex ang kuwento ng pelikula ay si Paolo Contis talaga ang nasa isip niyang maging leading man dahil nga inspired ito sa friendship nilang matagal na.

“Kasi sa kuwento, 20 years nang magkaibigan sina Ben (Paolo) at Jen (Alessandra) tapos 13 years silang naging magkarelasyon, so dapat kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, so si Paolo nga kasi matagal na kaming magkaibigan, mga bata pa kami sa ABS-CBN kasi schoolmate kami sa Distance Learning Center (DLC). Tapos noong nag-GMA, ilang beses kaming nagkasama sa show tapos may movie rin kami, so kumbaga sobrang kilala na,” paliwanag ni Alex.

Sa tanong namin na hindi ba siya nagkagusto kay Paolo noong mga bagets pa sila? “Hindi, kasi feeling ko kadugo ko siya since pareho kaming Italyano,” say ng dalaga.

Parehong half-Italian sina Paolo at Alessandra dahil parehong Italyano ang tatay nila at mga nanay ay pawang mga Pinay.

Komedyante rin si Paolo kaya natanong si Alessandra kung paano niya ikukompara ang aktor kay Empoy Marquez na nagpapatawa rin.

“Comparison, si Empoy very conservative, si Paolo, iba talaga ‘yung humor niya. Nakatatawa siya ‘pag ibang tao ang nagsabi niyon, baka ma-offend ka but since si Paolo ‘yun, ‘nakatatawa ka, buti na lang hindi ako nababastos.’ 

“Ganoon siya talaga, ganoon ang humor niya, hindi ako napipikon kasi alam kong joke lang, hindi naman siya bastos na tao talaga. Ako rin kaya kong mag-joke ng bastos minsan, pero kailangang kilalang-kilala ng mga tao ‘yung heart and soul ko bago ako mag-joke ng ganoon, just for laughs,”paliwanag ng aktres.

Anyway, kinumusta namin ang lovelife ni Alex pero tinititigan kami at sumenyas na ‘wag na kaming magtanong pa.

Mapapanood ang Through Night & Day sa Nobyembre 14 handog ng Viva Films at Octoarts Filmsmula sa direksiyon ni Ronnie Velasco.

ni Reggee Bonoan

Alessandra, na-hurt na naging taga-abot lang ng kape kay Piolo

Alessandra, na-hurt na naging taga-abot lang ng kape kay Piolo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …