Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbawi sa amnestiya kay Trillanes, Kabaliwan — Solon

TINAWAG ni Caloocan Rep. Egay Erice na kabaliwan ang pagbawi sa amnestiya na ipinag­kaloob kay Sen. Antonio Trillanes IV noong panahon ni Pangulong Benigno Aquino III.

“This is crazy, I don’t think that President Aquino will grant amnesty to Sen. Trillanes if he did not applied (Kabaliwan ito. Hindi magbibigay ng amnestiya si President Aquino kay Sen. Trillanes kung hindi siya nag-apply dito),” ani Erice, miyembro oposisyon.

“Ngayon, ang salita ni PNoy laban kay Duterte,” dagdag niya.

Binawi ng Malaca­ñang ang amnestiya kay Trillanes kahapon.

Sa dokumento na pinirmahan ni Executive Sec. Salvador Medialdea, sinabi ng Malacañang na hindi nag-comply si Trillanes sa mga require­ments para mabigyan ng amnestiya.

Kinuwestiyon ni Erice ang namomoong pataka­ran ng gobyernong Duter­te na kung kritiko ka ay malamang makakasuhan ka.

Magiging “Banana Republic” tayo kung dalawang senador, halal ng taong bayan ay naka­kulong dahil oposisyon sila.

Giit ni Erice, hindi puwedeng bawiin ang amnesty hanggang wa­lang pahintulot ang Kongreso.

Mayroon aniyang ebidensiya si Trillanes na nag- apply siya para mabigyan ng amnesty.

“Kung sino man ang gumawa at nagplano ng revocation order ay ipi­napahiya ang Pangulong Duterte,” ani Erice.

Dapat, aniya, mag-resign ang “presidential adviser” na nag-isip nito.

Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin, mali­naw na “political vendet­ta” laban sa isang ma­tinding kritiko ni Duterte ang pagbawi sa amnes­tiya.

Mahirap, ani Villarin, ipangatuwiran ang pagbawi sa amnestiya na ibinigay ng Kongreso.

Ang panga­ngatu­wiran ng Malacañang na hindi nag-apply si Tril­lanes sa amnestiya ay masyadong mababaw at hindi makatatayo sa legal na usapin dahil kompleto ang amnestiya na ibini­gay ni President Aquino na sinang-ayonan ng Kongreso.

Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, Proclama­tion No. 75 na pinirmahan ni  President Benigno Aquino III noong 24 Nobyembre 2010, walang sinabi tungkol sa “revocation clause.”

Ani Lagman, ang Amnestiya, na nagbubura sa mga nakaraang pag­kakamali, ay pinal, buo at hindi puwedeng bawiin hindi kagaya ng Pre­sidential legislative conditional pardon.

(GERRY BALDO)


Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution
Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution
Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan
Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan
Senate president ikinustodiya si Trillanes
Senate president ikinustodiya si Trillanes
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …