Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utos ni Duterte sa DILG: Bodega ng rice hoarders salakayin!

JERUSALEM – Pagsalakay sa mga bodega ng bigas ng  pinaniniwalaang rice hoarders ang nakikitang solu­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matuldukan ang kapos na supply ng bigas sa bansa.

Sa mini-cabinet mee­ting na ginanap sa eropla­no habang patungo sa Israel si Pangulong Duter­te at kanyang opis­yal na delegasyon, inu­tusan niya si DILG Secretary Edu­ardo Año na pangunahan ang pag­salakay sa mga ware­house ng bigas na pina­niniwalaang nagtata­go ng santambak na bigas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na ma-s­am­polan ang rice hoar­ders upang matigil na ang walang habas na pagtaas ng presyo ng bigas sa pamilihan na idinadaing ng masa.

Ani Roque, ginagamit na isyu ng mga kritiko ng administrasyon ang isyu ng presyo at kapos na supply ng bigas laban sa Pangulo.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Add­ress (SONA) ay nagbab­ala ang Pangulo sa mga rice cartel at kumakanlong sa kanila na itigil ang pagpapahirap sa bayan.

Nauna rito, sa isang national security meeting sa Palasyo ay tinawagan at minura ni Pangulong  Duterte ang umano’y kasali sa rice cartel leader at matapos ang 72 oras, ayon kay Roque ay inila­bas ang mga bigas na inimbak sa bodega.

Sa kasalukuyan, ang pinakamurang com­mercial rice ay P42 kada kilo habang ang NFA rice ay P27 ngunit madalang ang supply.

ni ROSE NOVENARIO


8 rice warehouses sa Bulacan ininspeksiyon
8 rice warehouses sa Bulacan ininspeksiyon
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …