Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup
POSITIBONG itinuro ng isa sa tatlong biktima ng panghoholdap ang anim na pulis-Maynila na miyembro ng Manila Police District Malate Station (MPD-PS9) Station Drug Enforcement Unit (SDEU), kinilalang sina PSSg. Mark Louie Saipan, Pat. Marcial Onayan Mariñas, Pat. Edernor Valencia, Pat. Mark Allen Viaña, Pat, Aeron Paul Joves, at Pat. John Vasti Virtudes matapos maaresto sa ikinasang hot pursuit ng Makati City Police dahil sa nangyaring holdapan sa barangay San Isidro sa nabanggit na lungsod. (EJ DREW)

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan

SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District – Malate Police Station (MPD-PS9) at isinailalim sa masusing imbestigasyon ang buong yunit ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kasunod ng pag-aresto sa anim na pulis na sinabing sangkot sa insidente ng robbery/hold-up sa Makati City.

        Bago ang insidente, ang MPD-PS9 ay pinamumunuan ni PLtCol. Alfonso Saligumba III habang si PMaj. Reynante Martelino ang sinabing Chief of Operations.

Sinimulan kahapon, 29 Enero, ang imbestigasyon sa ilalim ng Criminal Investigation and Detection Group–Investigation Management Division (CIDG-IMD) sa superbisyon ni MPD District Director PBGen. Arnold E. Abad.

Nag-ugat itomatapos masakote sa hot pursuit operation ang anim na pulis-Maynila ng mga tauhan ng Makati City Police Station sa reklamong panghoholdap sa tatlo katao, sa Makati City, nitong Miyerkoles, 28 Enero.

Sa ulat ng Makati CPS, ang mga suspek na pawang nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit ng MPD-Malate Station (PS9) ay isang may ranggong staff sergeant at 5 patrolman, pawang dinakip sa reklamong robbery/holdup na inihain ng isang alyas Raul, alyas Rose, at isang alyas Manuel.

Kinilala ang mga suspek na sina PSSg. Mark Louie Saipan, Pat. Marcial Onayan Mariñas, Pat. Edernor Valencia, Pat. Mark Allen Viaña, Pat, Aeron Paul Joves, at Pat. John Vasti Virtudes.

Sa ulat, naganap ang pag-aresto 7:48 ng gabi nitong 28 Enero 2026 sa Arsonvel St., Barangay San Isidro, Makati.

Sa reklamo, nabatid na ang mga biktima ay inimbita ng nakilalang dalawang babae sa Malate, Maynila para kunin ang kanilang gamit sa Makati City.

Sa Makati, hinarang umano sila ng grupo ng kalalakihan, tinutukan ng baril, pinadapa, at iginapos ang mga kamay bago tinangay ang kanilang mga gamit, saka nagsitakas sakay ng mga motorsiklo.

Ang mga suspek ay dinisarmahan at ikinulong sa Makati detention facility.

Dahil sa insidente, iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Major General Anthony Aberin na sibakin sa puwesto ang hepe at lahat ng mga tauhan ng SDEU sa MPD-Station 9, upang magbigyang-daan ang patuloy na imbestigasyon.

Mas malalim na imbestigasyon ang isinasagawa kaugnay sa insidente upang matukoy ang iba pang posibleng anggulo ng pangyayari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

human trafficking

29 nasagip sa human trafficking

NASAGIP ng mga awtoridad ang 29 biktima ng human trafficking, kabilang ang 5 menor de …

Bacoor Cavite Police PNP

2 Chinese nasakote sa kidnapping

DINAKIP sa bisa ng warrant operations ang dalawang Chinese national, kamakalawa ng hapon sa Bacoor …

San Rafael, Bulacan

Rape suspect ng menor de edad kinalawit

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan …

arrest, posas, fingerprints

2 tiklo sa pagbebenta ng substandard consumer products

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba laban sa mga indibiduwal na sangkot …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Sa kaso ng pulis sa septic tank
‘Gunman’ nasakote sa Tagum, 2 suspek sumuko sa Bulacan

ARESTADO ang hinihinalang gunman sa insidente ng pagpaslang sa isang pulis na ang bangkay ay …