Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pepe Herrera Coco Martin
Pepe Herrera Coco Martin

Pepe, pinagsisihan ang pag-alis sa Ang Probinsyano

PAGKATAPOS ng presscon ng The Hopeful Romantic ay klinaro ni Pepe Herrera ang tsikang kaya siya umalis sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Benny ay para mag-migrate sa ibang bansa.

Aniya, “Gusto ko pong i-clarify ‘yun, wala po akong balak mag-migrate mahal ko po ang Pilipinas sa ngayon. Mahal na mahal ko ang Pilipinas kasi hindi ko masasabi kung ano ang magiging takbo ng utak ko sa future. Pero nagbakasyon lang po talaga ako with my family kasi roon (New Zealand) po nakatira ang pinsan ko.”

May pagsisisi ba si Pepe na iniwan niya ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Pagdating naman po sa regrets, siyempre hindi maiiwasang may bulong-bulong na sana ganito, sana ganyan ang desisyon ko. Sinusubukan kong hindi mag-dwell sa ganoon kasi naniniwala ako na hindi maganda. Hindi productive pag nag-regret ka,” pag-amin ng komedyante.

Hinding-hindi malilimutan ni Pepe ang programa ni Coco Martin dahil dito siya nakilala nang husto at naging Benny sa showbiz.

Definitely po and I will have mentioned it lalo na sa mga bata sa shooting na ang tawag sa akin ay Benny, automatic na sa akin na lumingon,” masayang kuwento ng binata.

Matagal na paalamanan ang nangyari sa kanila ni Coco.

Nagkataon lang po na nagkaroon ako ng karamdaman sa latter part ng 2016.  Tapos nagkaroon po kami ng series ng pag-uusap nina Coco at sir Deo (Endrinal) tapos hanggang sa maka-arrive kami sa isang desisyon na makabubuti para sa lahat that includes me and the story.

Faithful po ako na it’s really Coco’s decision ‘yung final scene ko na mag-end sa ganoon, sabi po niya, ‘sayang naman kung mapupunta sa wala ‘yung binuo nating karakter na Benny.  Kaya siya po ‘yung nag-decide na maging heroic ‘yung final scene. Kaya malaki po ang pasasalamat ko kay Coco,” saad ni Jess (karakter niya sa The Hopeful Romantic).

Bagama’t hindi pa malinaw kung tuloy na si Pepe sa 2018 Metro Manila Film Festival entry nina Coco at Vic Sotto na Popoy and Jack: The Puliscredibles ay nabanggit niyang magkakaroon siya ng cameo bilang reunion nilang Probinsyano cast.

Bale ba halos lahat ng kasama sa Popoy and Jack:  The Puliscredibles ay mga taga-Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Panginginig ni Pepe, huling-huli ni Ritz
Panginginig ni Pepe, huling-huli ni Ritz
The Hopeful Romantic, Trailer pa lang patok na
The Hopeful Romantic, Trailer pa lang patok na
Agot, sinupalpal ni Lorna
Agot, sinupalpal ni Lorna
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …