TODO ang pasasalamat ng Presidente & CEO ng Beautederm Corporation na si Ms. Rhea Ramos Anicoche Tan dahil nagdiriwang sila ngayon ng ika-siyam na anibersaryo.
Lalong dumarami ang puwesto ng Beautederm sa buong Pilipinas kasama ang Hongkong at Singapore.
Pati ang pamilya ng Beautederm ay lumalaki tulad nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Matt Evans, Alma Concepcion, Shyr Valdez, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, Alex Castro, Jimwell Stevens, at Darla Sauler.
Sa mga politician naman ay nariyan sina Kate Coseteng, Migz Magsaysay, Vice Gov. Kaye Revil, Vice Mayor Donya Tesoro, at Janna Ejercito.
Bukod sa bonding ng Beautederm Family sa panood ng Rak of Aegis kamakailan, nakaharap din nila ang King of Talk na si Boy Abunda para sa BRATS (Boy R. Abunda Talks 2) na ginanap sa Seda Vertis North Hotel. Tungkol ito sa Mental Health Stories (Let’s talk about them openly and kindly).
Naroon din sina Jasmine Curtis, Bela Padilla, Kylie Versoza, Queenie Maravillas, at Nykko Bautista. Ito ay handog ng Make Your Nanay Proud.
Nag-sponsor ang Beautederm sa BRATS.
Tinanong namin si Ms. Rhea kung kumusta ang experience niya na makaharap si Kuya Boy sa ganitong event?
“Masaya. Meaningful talk about life and hope. Overcoming depression. I am very proud na nag-support ako sa advocacy ni Dr. Boy Abunda,” bulalas ni Ms. Rei.
“Rati ko na kasi siyang naririnig sa mga convention na dinadaluhan ko. Ngayon lang talaga ‘yung malapitan. One of the reasons siya kaya ako na-inspire mag-Masscom. Idol ko siya bilang speaker. Napakatalino.
“Now, mas lalo ko siyang in-admire. Sobrang down to earth po na tao. Kahit big star siya, hindi siya nagpaparamdam ng gap,” saludong pahayag pa ni Ms. Rhea.
Nakasama niya sa BRATS ang mga Beautedrerm ambassador niyang sina nina Vice Mayor Tesoro ng Tarlac, Maricel,Shyr, at Rochelle.
Anyway, magkakaroon ng malaking event ang Beautederm sa November 23-25. Ito’y ang National Sales Conventions na gaganapin sa Clark, Pampanga Ang speakers niya ay sina Boy Abunda, Francis Kong, at Chinkee Tan. Gusto rin niyang matuto ang mga seller niya. (RFC)