Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Di matatakasang inflation tunay na isyung dapat harapin ng PH

HULYO pa lamang pero dumausdos na sa 5.5 percent ang inflation rate.

Panahon na siguro para tantanan ng ilang mga propagandista ng kasalukuyang adminsitrasyon ang ginagawa nilang panliligaw sa mga tunay na isyung kinakaharap ng sambayanan.

Habang mainit na pinagkakaguluhan at pinagdedebatehan ang ‘pepe-dede’ na estratehiya ni Assistant Secretary Mocha Uson para pag-usapan ang federalismo, tuloy rin ang pagdausdos ng kabuhayan ng maraming Pinoy.

Ilang mga business observers ang nagsabi na dapat nang konsultahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang economic managers dahil sa mga susunod na araw ay posibleng tumaas pa ang inflation rate.

Ramdam na ramdam ng maraming Filipino ang epekto ng TRAIN Law. Kahit ang mga taga-Pier ay nagsasabing posibleng tanggalin ang taripa na magbubunsod ng lalong pagtaas ng inflation lalo ngayong papasok na ang Ber months.

Sabi nga ng ating mga sources, hindi ang federalism o charter change ang sagot laban sa kahirapan. Wala itong babaguhing sistema ng pamumuhay ng maliliit nating kababayan.

Anila, ang Federalismo o Charter change ay isang estratehiya upang manatili sa poder ang mga pirming takaw na takaw at mga naglalaway sa puwesto. Kaya klaro na hind ito solusyon laban sa kahirapan at hindi mapigilang pagtaas ng inflation rate.

Kaya payo lang po… huwag magpabola sa mga mahilig mang-uto.

‘Yun lang po.

ONLINE SCAM
SA CREDIT CARD
MAG-INGAT

ISANG suki ng Bulabugin ang nabiktima kahapon ng matitinik na hackers.

Ang bilis, wala pang kalahating araw, umabot na sa P80,000 ang nagastos sa kanyang credit card.

Paano nangyari?!

Pinadalhan siya sa kanyang email ng supposedly ay isang bank updates na nagsa­sabing i-update ang kanyang account.

Dahil hindi naman nag-isip nang masama, tapat na sinagutan niya ang mga tanong sa online maging ang kanyang birthday.

Pero sabi nga, walang pagsisisi sa una kundi laging nasa huli.

Hayun, pagkatapos na pagkatapos niyang mag-update, ‘yun na pala, nag-umpisa nang mag-shopping ang hacker.

Tsk tsk tsk…

Kaya ingat-ingat po sa friend request or online messages na kunwari ay mukhang galing sa banko pero hindi pala.

Kapag nakuha na nila ang vital data tungkol sa inyo, todas ang account ninyo.

Careful, careful po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *