Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Train 2 isusulong sa ibang pangalan

ANG nagpahirap sa buhay ng Pinoy – ang TRAIN Law,  ay itutulak din ng bagong liderato ng Kamara pero sa ilalim ng ibang pangalan.

Ayon kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pangalawang yugto ng Tax Reform Accele­ration and Inclusion (TRAIN) Law ay uunahin ng Kamara pero iibahin ang pangalan dahil ito ay “misleading.”

Ang TRAIN 1 ay si­nisisi sa pagtaas ng halos lahat ng presyo ng pangunahing bilihin mula nang naging batas ito sa umpisa ng taon.

Ibinaba nito ang personal income taxes pero itinaas naman ang buwis sa langis, gasolina, sigarilyo, asukal at mga bagong sasakyan.

Ani Arroyo, ang TRAIN 2 ay dapat nang tawaging “corporate income incentives re­form.”

Ayaw ni Arroyo ibi­gay ang eksaktong araw kung kailan ito ipapasa.

Sinabi ni Arroyo, ang pangunahing trabaho niya bilang speaker ay pagpasa ng legislative agenda ng pangulo.

Sa panig ni Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas, isa sa mga awtor ng TRAIN 2, ang panukala ay isang “cor­rective measure” para ayusin ang mga paulit-ulit na incentives na ibinigay sa mga kom­panya na dapat pakina­bangan ng mga emple­yado.

Nagtanghalian si Arroyo kahapon kasama ang “economic man­agers” ng gobyerno para pag-usapan ang inflation at kung paano lulutasin ito.

Inilarawan ng bagong Speaker ang miting sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) bilang “a profes­sor to professor discus­sion on the economy especially to address the inflation” sa tanghaliang kasama sina present Secretaries Carlos Do­minguez III ng Finance, Benjamin Diokno ng Budget, Enesto Pernia ng Socioeconomic planning, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Nestor Espenilla.

Kasama rin sa usapan sina representatives Karlo Nograles (PDP-Laban, Davao City), ang pinuno ng House committee on appropriations; Joey Salceda (PDP-Laban, Albay); at Arthur Yap (PDP-Laban, Bohol).

Hindi sinabi ni Arroyo kung ano ang payong ibinigay niya sa Pangulo upang ayusin ang infla­tion at sinabing iyon ay sa kanilang dalawa la­mang.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …