Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
congress kamara

BOL nadiskaril

READ: Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado

READ: Collateral damage

WALANG naipagmayabang na Bangsamoro Organic Law ang Malacañang dahil sa sinabing ‘intramurals’ sa pagitan ng mga kaalyado ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Imbes ipasa ang BOL, nag-adjourn ang sesyon upang mawalan ng pagka­kataon ang mga nagtang­kang patalsikin si Alvarez na ilathala ang isyu ng speaker­ship.

Binuksan ni Alvarez ang Third Regular Session kaha­pon  at nanawagan na mag­ka­ron ng Charter Change at Federal Govern­ment.

Inaasahan na pagka­tapos ay magtatalumpati at pagbobotohan ang BOL, pero hindi ito nangyari.

Nanahimik, umano, ang Kamara hangang ini-adjourn ni Deputy Speaker Gwen­dolyn Garcia.

Ayon kay Rep. Antonio Tinio ng Alliance of Con­cerned Teachers party-list, ang mga kongresista ay nasa gitna ng mga miting para pag-usapan kung pa­ano mapapatalsik si Alva­rez.

Dapat iratipika ng Kama­ra ang BOL bago ito mapir­mahan ni Duterte. Nauna nang niratipika ito ng Senado bago magtanghali kahapon.

Ayon kay Rep. Tom Villarin, “In bad taste” ang pagkakaisangtabi ng BOL.

Marami aniyang mga panukalang batas ang masasakripisyo kung patu­loy ang ‘intramurals’ sa Kamara.

Ani Villarin, ito ang unang pagkakataon na big­lang nahati ang isang nakaupong administrasyon tungo sa palapit na elek­siyon.

Kadalasan, aniya, ang pagpalit ng speaker ay nangyayari kung malapit na matapos ang termino ng mga nakaupo.

Halata, ani Villarin na ang BOL ay naging biktima ng girian sa gitna ni Mayor Sara Duterte at ni Alvarez.

ni GERRY BALDO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …