Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mag-ingat sa mga Survey

ANG survey at eleksiyon ay may isang kahulugan sa mamamayang Filipino.

Tuwing papalapit ang eleksiyon tiyak sunod-sunod ang pagsasagawa ng survey.

Ginagamit kasi ito ng ilang politiko para sa name recall o para makahamig ng simpatiya sa mamamayan.

Kaya pansinin ninyo, sa survey laging lumulutang ang mga pangalan ng malalakas at mga pinakakulelat.

Tuwing eleksiyon, lahat ay nagkukumahog na mapataas ang kanilang “survey rating” dahil ito ay nagdudulot ng “bandwagon” effect sa mga botante.

Kadalasan ang “survey ratings” ay nagkokondisyon sa isip ng mga tao para paniwalaan o suportahan ang isang kandidato.

Nitong nakaraang linggo ay magkasunod na lumabas ang dala­wang survey mula sa Pulse Asia at SWS na nagpapakita nang halos parehong resulta.

Ipinahihiwatig ng mga survey na inaayawan ng mga Filipino ang “pananahimik o kawalan ng aksiyon” ng gobyerno ni Duterte sa usapin ng West Philippine Sea.

Mukhang kinokondisyon ng mga taong ayaw sa mga patakaran ni Duterte na hindi siya suportado dahil sa usapin ng pakikipagkaibigan sa China. Ang gusto daw ng nakararami ay ‘magprotesta’ at ‘mag-ingay’ upang mapansin ng mga international organizations tulad ng ASEAN, United Nations at suportahan laban sa China.

Sa larangan ng diplomasya, hindi natin makukuha ang ating gusto nang mabilisan. Ngunit sa nakalipas na dalawang taon, naging matagumpay ang paraan ng ating pamahalaan na ipaglaban ang ating pambansang interes sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa China at ibang bansa.

Ngunit hindi ito nangangahulugang bini­bitawan na natin ang ating mga pag-aaring ter­ritoryo.

Hindi rin tumitigil ang ating gobyerno sa pag­ka­linga sa militar. Mula sa dagdag na benepisyo sa mga uniformed personnel hang­gang sa mga makabagong sasakyan, armas at iba pa.

Ang gusto ng mga kritiko, bumitiw si Pangulong Duterte sa magandang relasyon sa China at bumalik sa dating relasyon na puno ng tensiyon, galit at iringan.

Madali para sa mga nasa oposisyon na mag-ingay at mag-eksperimento ng iba’t ibang paraan na hindi naman sigurado ang resulta kung makabubuti o makasasama sa mga Fili­pino.

Hindi natin maiwasang mag-isip, kaninong interes ba ang gustong protektahan ng mga oposisyon? Gusto ba nilang bigyan ng mas magandang buhay ang mga mangingisda sa Scarborough Shoal or gusto nilang pahirapan ulit? Gusto ba nilang tumalikod ang mga ne­gosyante, turista at investor mula sa China dahil hindi pala nagtitiwala ang mga Filipino sa kanila?

Sino ang mas maaapektohan kung tumaas muli ang tensiyon sa West Philippine Sea?

Mag-ingat tayo sa mga nagbabalatkayong ‘makabayan’ na gumagamit ng iba’t ibang paraan para masigurong hindi magtatagumpay ang administrayong Duterte na iahon ang mga Filipino sa kahirapan, krimen at katiwa­lian.

Habang nag-iingay ang mga oposisyon, ang administrasyong Duterte ay patuloy sa pagpa­palakas ng ating ekonomiya at pagsasaayos sa kakayahan ng ating militar. Ito ang mas makatutulong sa pag-angat ng buhay ng mga Filipino.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *