Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangay execs magiging gov’t employees sa Federal PH

UMAASA ang Palasyo na maisasabatas ang panukalang Magna Carta for Barangay kapag ina­probahan ng samba­yanang Filipino ang pro­posed Federal Consti­tution.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang tunay na pagkilala sa kahalagahan ng papel ng mga opisyal ng barangay ay kilalanin sila bilang mga empleyado ng pa­ma­halaan na nakasaad sa Magna Carta for Bara­ngay.

“Well, inaasahan po natin iyan na maisasa­batas pa rin iyan, dahil importante naman po na tayo ay patungo na sa Federalismo at kinikilala natin iyong importansiya ng mga lokal na mga pamahalaan. So iyan po ay pagkilala na talagang dahil napaka-importante ng papel ng ating mga barangay official, kilala­nin natin sila bilang full time empleyado ng ating gobyerno,” ani Roque.

Nakasaad sa panu­kalang batas na tatang­gap ng suweldo bilang mga kawani ng pama­halaan ang mga barangay chairman at mga kaga­wad at bibigyan din sila ng mga kaukulang bene­pisyo gaya ng pagiging miyembro ng GSIS, Philhealth at Pag-Ibig.

Ang tatanggaping sahod ng barangay chair­man ay katumbas ng 80% ng suweldo ng konsehal ng bayan.

Matatandaan, unang ipinanukala noong 2001 ang Magna Carta for Barangay ni dating Sen. Aquilino Pimentel, Jr., isa ngayon sa miyembro ng 22-man Consultative Committee na nagba­langkas ng proposed Federal Constitution.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …