Saturday , May 10 2025

4 tigbak sa ininom na libreng alak

IRIGA CITY, Camarines Sur – Apat na lalaki ang magkakasunod na binawian ng buhay makaraan malason ng ininom na alak sa Sitio Tubigan, Brgy. Sta. Maria sa lungsod na ito, noong Biyer­nes.

Kinilala ang mga bikti­mang sina Reggie Oliveros, Edwin dela Cruz, Luis Nico­las Jr., at Sonny Castillo, pa­wang nalagutan ng hininga makaraan uminom ng libreng alak.

Salaysay ni Dominador Taduran, pito silang uminom sa bahay niya alas-tres ng hapon noong Biyernes.

Galing umano sa nagpa­kilalang chemist na isang Eng. Glenn Castillo ang mixed drink na ininom nila.

Nagbebenta rin ng umano si Castillo ng pro­duktong fertilizer at remi­neralizing drops.

“Nagtitimpla daw siya ng stateside na inumin. Nagtimpla siya sa loob ng van. Sabi niya, tikman mo, sabi ko matapang. ‘Yung mga namatay, nalaman nila, balik-balik sila,” ani Taduran.

Nagbabala umano si Castillo na tatlong araw ang epekto ng inomin nila at hindi dapat masobrahan nito.

Unang nakitang page­wang-gewang sa tabi ng kalsada si Oliveros, 38, Linggo ng hapon.

Ayon sa mga nakakita, akala nila lasing lang at nakadapa sa kalsada ngunit patay na pala.

“Gusto lang namin mala­man kung ano ang laman ng ininom nila,” anang kaanak ni Oliveros.

Sumunod na namatay nitong Lunes sina Dela Cruz at Nicolas habang binawian din ng buhay si Sonny Castillo sa ospital Martes ng gabi.

“Kinabahan ako kasi baka ako naman ang susu­nod,” ayon kay Avelino Paya, isa sa mga nakainom din ng alak.

Ayon umano sa doktor, nakitang sunog na ang baga at tiyan ni Castillo.

Nakakuha ang pulis Iriga ng sample ng alak na ininom ng mga biktima at isa­sailalim ito sa eksaminasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *