Friday , May 9 2025

Piso dagdag pasahe aprub sa LTFRB

INAPROBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) ang P1 provisional fare hike sa pampasaherong jeep.

“The board in its regular meeting approved tonight a provisional fare increase of P1 for the first 4 kilometers for PUJ (public utility jeepneys) plying [the] NCR (National Capital Region), Region 3, and Region 4 routes,” pahayag ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada nitong Miyerkoles via Viber.

Gayonman, sinabi ni Lizada, wala pang inila­labas na order hinggil sa dagdag pasahe kaya hindi pa maaaring ma­ngo­lekta ang jeepney drivers para sa P9 pasahe sa mga pasahero para sa unang apat na kilometro.

Mula P8, P9 na ang bayad sa unang apat na kilometro sa mga pam­publikong jeep na bumi­biyahe sa mga rehiyon ng National Capital Region, Central Luzon, Calabar­zon, at Mimaropa.

Nauna nang humiling ng pansamantalang dag­dag pasahe ang mga transport group habang hindi pa nadedesisyonan ng LTFRB ang fare hike petition na nauna nilang ihinain.

Kasama sa mga gru­pong humirit ng pro­visional fare increase o pansamantalang dagdag-pasahe ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Alliance of Transport Ope­rators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Land Transportation Organization of the Philippines (LTOP), at Pasang Masda.

Dininig ngunit hindi pa nadesisyonan ng LTFRB nitong Martes ang naunang petisyong ihinain ng mga grupo noong Setyembre.

Layon ng naunang petisyon na dagdagan ng P2 ang base fare sa pampasaherong jeep.

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *