Sunday , December 22 2024

Jueteng mahirap tanggalin — Solon

NAKAUGAT sa kulturang Pinoy ang jueteng, ani Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, kaya mahirap tanggalin.

Ayon kay Batocabe, ang jueteng ay masa­mang realidad sa buhay ng mga Filipino na mahi­rap tanggalin.

“Ang masamang realidad, lahat mayroong takits. ‘Yong pulis, meron. ‘Yong mga politiko na nama­mahala sa mga lugar, mayron din na share. So paano pa natin gagawin ito e talamak talaga. La­hat meron,” ani Bato­cabe.

Sinabi ni Batocabe, kung meron man nag-iingay laban sa jueteng, sila ay ‘nabibigyan din.’

Idinidepensa ni Bato­cabe si Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsabi, sa isang talum­pati sa Bohol, na mahirap tanggalin ang jueteng kasi baka magamit  ng mga drug lord ang network nito at may mga magu­gutom.

“Now if there’s jueteng, at least money goes around. Some people will get hungry, others will be able to eat, there’s commercial activity,” ani Duterte sa talumpati.

“Ang nangyari, me­rong web talaga ng cor­ruption at nagiging parte ng kultura na parang ordinaryo na,” ani Bato­cabe.

Ayon sa kongresista, hindi na kailangan i-legalize ang jueteng kasi may STL (small town lottery) na katumbas ng jueteng.

Aniya, “Siguro hindi lang na-brief ang pangulo tungkol sa STL. Siguro ‘pag na-brief po siya ng mga taga-PCSO (Philip­pine Charity Sweepstakes Office), alam niya na may programa siya para ma­bawasan o maalis talaga ‘yong jueteng.”

Nagpatawag si Du­ter­te ng miting sa jueteng Lords at ang sabi ni Batocabe gagamitin nila sa Kamara ang nasabing miting para palakasin ang legal na STL.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *