Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PCOO may pag-asa pa ba? — Sen. winston ‘este Sherwin Gatchalian

NAALALA ko noong elementary and high school days sa English subject namin.

Every Mondays, Wednesdays and Fridays, mayroon kaming spelling. Okey lang kung hindi ma-perfect on Mondays, pero kailangan kapag inulit ito sa Wednesday, mabawasan na ang error. At pagdating sa Friday, dapat perfect na.

Hindi lang ‘yan, may “unit test” pa kami para lang sa spelling.

Mayroon din current events noong araw sa Social Studies. Kailangan kabisado ang lahat ng government agencies, at mga official nito. Mga acronym ng iba’t ibang organization at kung sino-sino rin ang talking head.

Masyadong old fashioned ang estilo. Pero ngayon, nare-realize na natin kung bakit kailangan masanay sa ganoong pag-aaral. Isang bahagi lang ‘yun para pabilisin ang perception ng isang estudyante. Hanggang makasanayan ito.

Kahit sa Japan ay ganito ang sistema ng pagkatuto, paulit-ulit hanggang makasanayan. Ganoon din ang displina sa mga bata.

Hindi natin alam kung dumaan sa ganitong pagsasanay ang mga namamahala ngayon sa ‘press release’ ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sabi nga, “nobody’s perfect.”

Pero, hindi rin naman siguro ‘bawal’ kung sisikapin ng PCOO na maging metikuluso, masipag at makinis sa kanilang trabaho.

Huwag na natin banggitin ang mga nauna pa. ‘Yung mga sariwa na lang.

Una ‘yung bansang Norway na naging Norwegia. Sumunod, ‘yung pangalan ni dating National Security Adviser (NSA) Jose Roilo Golez na naging Rogelio. At ang pinakahuli at sariwa pa, nang gawin nilang Winston ang pangalan ni Senator Sherwin Gatchalian.

Aba, hindi nakatiis si Senator Win Gatchalian, kaya siya mismo ang sumita sa PCOO.

Ang solusyon ng Malacañang, dalasan daw ng PCOO na gumamit ng spell checkers, “to avoid future blunders.”

Ang siste hindi naman spelling ang problema, kundi ‘misnomer’ talaga.

Talagang hindi maiiwasan ang magkamali, pero kung paulit-ulit at nakahihiya na dahil nagiging katawa-tawa ang isang ahensiya na inaasahang maglalabas ng mga tamang detalye at maayos na komposisyon ng isang balita, titiisin na lang ba at magtataingang-kawali sa mga salto at palpak na paulit-ulit?

Noong magdagdag ang PCOO at maglagay ng nagpapakilalag ‘beteranong’ mamamahayag kuno na ‘forte’ daw niya ang press release at ‘media ops’ ay lalo pang nagpaulit-ulit ang kapalpakan.

‘Yun pala, magaling lang magbuhat ng ‘sariling bangko.’

Hak hak hak!

Arayku!

Hindi kaya nadidal si Secretary Martin Anda­nar ng mahihilig magpakilalang sila ay magaling?!

Kung hindi tayo nagkakamali, maraming nabikti­mang mga mambabatas ‘yan noong nakaraang eleksiyon!

What d’ya think, Secretary Martin?!

‘TANIM BALA’ BA
O MAY PALPAK
NA BIYAHERO
LANG TALAGA?!

BIGLA na namang nabuhay ang isyung ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

‘Yan ay matapos i-post sa social media ng isang pasahero na nakitaan ng bala sa kanyang pitaka. Itinatanggi ng pasahero na kanya ang bala.

Ngunit nang balikan ang recording ng CCTV camera, aba, kitang-kita na nandoon talaga sa kanyang pitaka ang bala.

Mga kababayan, maging responsable sa pagpo-post sa social media dahil ang ating bansa ang nasisira.

Huwag maging sinungaling dahil kawawa naman ang mga tao o empleyadong maaapek­tohan.

Sa hanay ng NAIA personnel, kapag may nakitang bala sa x-ray, hayaan ninyong ang pasahero ang magbukas ng kanilang gamit at ipakita ninyo sa x-ray kung saang bahagi ng kanilang bagahe nakita. Nang sa gayon ay maiwasan ang mga bintang na nabuhay na naman ang tanim-bala sa NAIA.

Alalahanin ninyo na nandiyan kayo para protektahan ang NAIA at ang mga pasahero pero alalahanin din na hindi dapat masira ang kredebilidad ninyo.

Careful, careful!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *