Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng SAF positibo sa droga

POSITIBO sa droga ang miyembro ng Special Action Force (SAF) na inaresto nitong Sabado, ayon kay Philippine National Police chief, Director General Oscar Albayalde nitong Lunes.

Si PO3 Lyn Tubig ay iniharap sa media nitong Lunes, dalawang araw makaraan arestohin habang bumabatak umano ng shabu kasama ng kanyang boyfriend at ama ng huli sa Taguig City.

“She tested positive sa illegal drugs,” ayon kay Albayalde. “The result just came out.”

Ang 30-anyos na si Tubig ay dating nakatala­ga sa 44th Battalion sa Camp Bagong Diwa.

Kasama niyang ina­resto ang kanyang boy­friend na si Vincent German, 21, at ama ng huli na si Fernando German.

Nauna rito, sinabi ni National Capital Region Police Office head, C/ Supt. Guillermo Eleazar, si Tubig ay 11 taon na sa serbisyo.

Samantala, idine­pensa ni Albayalde ang pagharap sa media sa aku­sadong pulis, sina­bing hindi ito bahagi ng shame campaign.

“It is not a shame campaign,” aniya. “It’s not for anything else. We just want to be fair to the public, the Filipino people. Hindi porke pulis ay itinatago natin.”

Bukod kay Tubig, 10 Bulacan policemen na inakusahan ng extortion, ang iniharap din sa media nitong Lunes.

Sinabi niyang ang pag-aresto sa tiwaling mga pulis, “will bring a strong signal already to our men in uniform” laban sa paggawa ng krimen.

“Alam naman nila na we are dead serious with our internal cleansing, discipline and also professionalism namin in our ranks,” pahayag ni Albayalde.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …