Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Holdaper todas sa shootout

PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng robbery hold-up group nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Region (NCR) sa pangunguna ni Chief Insp. Michael John Villanueva, na may plano ang Epoy robbery hold-up group na mangholdap sa North Caloocan.

Agad nakipag-ugnayan ang CIDG sa Caloocan Police Community Precinct 6 saka naglatag ng checkpoint sa kahabaan ng Saranai Village, Brgy. 171, Bagumbong hanggang sa mapansin ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong 1:43 ng madaling-araw.

Imbes huminto sa checkpoint, biglang nag-U-turn ang motorsiklo at humarurot para tumakas kaya hinabol ng mga pulis ngunit bumaba ang back rider at pinaputukan ang mga operatiba.

Bunsod nito, napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek habang nakatakas ang kanyang kasama.

Hinala ng pulisya, ang nagmamaneho ng motorsiklo ay si Epoy, ang sinasabing lider ng lima hanggang pitong miyembro ng robbery hold-up group, na nag-ooperate sa North Caloocan at kalapit na probinsiya ng Bulacan.

Nakuha ng pulisya mula sa napatay na hindi kilalang suspek ang isang .38 kali­breng baril. (ROM­MEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …