Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PINAGTULUNGAN ng lokal ng pamahalaan ng Cavite, DPWH at contractor ng JBL Builders ang clearing operations sa bumagsak na bahagi ng itinatayong flyover sa kahabaan ng Aguinaldo Highway kanto ng Daang Hari sa Imus, Cavite kahapon. (ERIC JAYSON DREW)

Human error sa flyover collapse — DPWH chief

INIHAYAG ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, na human error ang sanhi ng pagguho ng flyover sa Imus, Cavite.

Paliwanag ni Villar, ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagkakamali sa panig ng operator sa pagkakabit ng huling girder sa concrete beam sa fly­over na nagresulta sa pagguho nito.

“Base sa preliminary findings namin, human error talaga ‘yung cause. Nagka­mali naman talaga ang operator at inamin naman nila na nagkamali sila sa pag-launch ng final girder,” aniya.

Magugunitang gumuho ang bahagi ng itinatayong flyover nitong Sabado, na­ging dahilan upang isara ang Emilio Aguinaldo Highway.

Bagama’t walang nasaktan sa insidente, nabagsakan ng gumuhong flyover ang isang trailer truck at motorsiklo ng traffic enforcer.

Dagdag ni Villar, ang muling pagtatayo ng bahagi ng flyover ay hindi gagas­tusan ng gobyerno dahil babalikatin ito ng contractor, ang JBL Builders.

Gayonman, maaantala ang proyektong dapat ang deadline ay sa Hunyo at posibleng matapos sa Disyembre.

“Medyo made-delay ang project kasi kailangan ulit mag-fabricate ng girders,” ayon kay Villar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …