Tuesday , December 24 2024

Ex-boxing champ kalaboso sa shabu

SWAK sa kulungan ang isang dating boksingerong kampeon makaraan ma­hulihan ng ilegal na droga sa buy-bust ope­ration sa Trece Martires, Cavite, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, nakompiskahan ng mga awtoridad ng dala­wang pakete ng hinihi­na­lang shabu, at P200 buy-bust money ang dating WBC Flyweight Division champion na si Randy Mangubat.

Umamin si Mangubat na nauwi siya sa pagtu­tulak ng droga makaraan iwanan ang pagboboksing at nagkaroon ng problema sa pera at sa asawa.

Nangako ang dating kampeon na magbaba­gong-buhay kapag nata­pos ang kanyang senten­siya para sa kasong paglabag sa Com­pre­hen­sive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act No. 9165.

IRANIAN,
FIL-IRANIAN
HULI
SA SHABU

ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Iranian national at kasabwat niyang Fili­pino-Iranian makaraang ma­kompiskahan ng sha­bu sa buy-bust operation sa lungsod, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay QCPD director, C/Supt. Joselito Esquivel, Jr., kinilala ang nadakip na sina Amir Gharehgozlou, 30, Ira­nian, residente sa 1206-A Soler Residences, Sta. Mesa, Maynila, at Omid Hosseini, 37, Fil-Iranian, nakatira sa 10 Tirona St., Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.

Ayon kay QCPD Project 4 Police Station (PS-8) chief, Supt. Ophelio Dakila Concina Jr., nadakip ang dalawa dakong 12:55 am sa Delos Reyes St., Brgy. Milagrosa sa nabanggit na lungsod.

Kompiskado sa mga suspek ang siyam sachet ng hinihinalang shabu, cellular phone at marked money.

Si Gharehgozlou ay drug surrenderee sa Brgy. Milagrosa nang ipatupad ang Oplan Tokhang noong nakaraang taon. (ALMAR DANGUI­LAN)

BATANGAS, MAKATI
DRUG SUPPLIER
HULI SA P2-M SHABU

ARESTADO sa mga operatiba ng Police Regional Police IV-A ang hinihinalang drug sup­plier na kumikilos sa lalawigan ng Batangas at Metro Manila, makaraang makompiskahan ng P2 milyon halaga ng shabu, sa Lipa City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PRO IV-A director, C/Supt. Guil­lermo Lorenzo Eleazar, ang suspek na si Marcial Orbigoso ay inaresto ng mga operatiba ng Re­gion­al Special Operation Unit sa kanyang bahay sa Purok 6, Brgy. Pangao, Lipa City, Batangas dakong 5:00 ng umaga.

Nakuha ng mga ope­ratiba sa bahay ni Orbigo­so ang isang .45 kalibreng baril, pitong bala, 300 gramo ng shabu, na tinatayang P2 milyon ang street value, at drug paraphernalia.

Ayon kay Eleazar, si Orbigoso ay isa sa big 3 drug supplier sa Metro Manila partikular sa Guadalupe Viejo, Makati City.

Dagdag ni Eleazar, inamin ni Orbigoso na ginagamit siya ng mga tiwaling pulis sa kanilang ilegal na aktibidad. (ALMAR DANGUI­LAN)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *