Thursday , April 3 2025

2 La Union top cops sinibak sa Eriguel slay

SINIBAK ng Philippine National Police ang provincial director ng La Union gayondin ang police chief ng bayan ng Agoo nitong Sabado, upang bigyang daan ang mga bagong opisyal na hahawak sa imbestigasyon hinggil sa pagpaslang kay dating Rep. Eufranio “Franny” Eriguel.

Sina C/Insp. Alfredo Padilla, Jr., hepe ng Agoo Police, at La Union Provincial Police Office head, S/Supt. Genaro Sapiera ay sinibak sa kanilang puwesto.

Ayon kay C/Supt. Romeo Sapitula, PNP regional director, ang nasabing hakbang ay alinsunod sa utos ng PNP headquarters.

“Wala namang nakalagay [na dahilan] pero alam mo naman sa amin anytime puwede kaming i-relieve basta command decision. If the command wants you out, baka ineffective ka riyan sa lugar mo kaya aalisin ka,”ayon kay Sapitula.

Ang dalawang sini­bak sa puwesto ay dating nakatalaga bilang pinuno ng Special Investigation Task Group na nag-iimbestiga sa kaso ng pagpaslang kay Eriguel.

Si Eriguel ay binaril at napatay noong 12 Mayo habang nagtatalumpati sa general assembly ng mga kandidato sa barangay at SK elections.

Arestado ng mga pulis ang suspek sa pag­patay na si Felizardo Villanueva, isang kan­didato para sa barangay chairman sa Capas, La Union.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *