Tuesday , December 24 2024

3 paslit na mag-uutol patay sa Pasig fire

PATAY ang tatlong bata makaraan matupok sa sunog ang kanilang bahay sa Pasig City, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Princess Joy Navidas, 7; John Andrew Navidas, 4, at BJ Navidas, 2, residente sa San Isidro St., Centennial 2, Nagpayong 2, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, umalis sa kanilang bahay ang ina ng mga biktima dakong 6:27 ng umaga upang bumili ng pandesal.

Gayonman, iniwan niyang nakabukas ang stove habang nagpapa­kulo ng tubig.

Nang siya’y bumalik nasusunog na ang kani­lang bahay.

Mabilis na nagres­ponde ang mga tauhan ng Pasig Bureau of Fire Protection at iba pang fire volunteers, naapula ang sunog dakong 6:53 ng umaga.

Sa clearing operation, natagpuan ang nasunog na bangkay ng magka­kapatid.

Dalawang bahay ang natupok sa sunog na inaa­lam pa ng mga awtori­dad ang posibleng sanhi at halaga ng napinsalang mga ari-arian.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *