Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

33 patay sa eleksiyon

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 33 katao napatay sa hinihinalang election-related incidents sa buong bansa mula sa pagsisimula ng election period noong 14 Abril.

Hanggang 6:00 am nitong 14 Mayo, sinabi ni  PNP chief Director General Oscar Albayalde, nakapagtala sila ng kabuuang 35 suspected at pitong validated elec­tion related incidents.

Sa 42 incidents, 33 ang shooting, dalawa ang kidnapping, habang tig-iisa ang insidente ng strafing, arson, harass­ment, illegal detention, ambush, grave threats at grenade throwing.

Samantala, sa 33 indibiduwal na napatay, 18 sa kanila ang elected government officials, apat ang kandidato, tatlo ang dating elected govern­ment officials, dalawa ang supporters, at anim ang sibilyan.

Ang kabuuang bilang ng nasugatang indibidu­wal ay 26.

Sa bilang na ito, limang elected govern­ment officials ang suga­tan, dalawa ang kandi­dato, sampu ang sup­porters, at siyam ang sibilyan.

Sa tala, 42 kaso ang under investigation, anim ang nasa Prosecutor’s office, tatlo ang isinampa sa korte, at isa ang idi­nismis makaraan ihain.

Sinabi ng PNP chief, mayroong 126 suspects, 29 sa mga kinilala ang nakalalaya pa habang 82 hindi pa kilala ay naka­lalaya pa rin. Idinagdag niyang anim suspek ang nakakulong habang siyam ang pinalaya.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …