Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
npa arrest

BIFF commander, 10 tauhan sumuko sa Maguindanao

SUMUKO sa militar sa Maguindanao ang 11 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF), kabilang ang isang may ranggong com­mander, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Lieutenant Colonel Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, mas pinaig­ting na military operations at pakikipag-ugnayan sa komu­nidad ang dahilan ng pagsuko ng mga rebelde.

“We have engaged the people to change perceptions and lure the insurgents back to the folds of the law,” sabi ni Cabunoc.

Isa sa mga sumuko ang 50-anyos na si Sindatok Dilna na second-in-command ni Gani Saligan, nagpapakilalang brigade commander ng BIFF 2nd Division.

Ayon kay Dilna, napagod na siya matapos ang ilang buwang pagtatago.

Kabilang sa mga isinuko ng mga rebelde ang dalawang M16 rifle, dalawang M14 rifle, apat garand rifle, isang M1 carbine, at isang caliber .50 barrett rifle.

Sumuko ang mga rebelde sa Liguasan Marsh, at doon sila sinalubong ng mga opisyal ng militar at mga lokal na opisyal ng mga bayan ng Paglat at General Salipada K. Pendatun.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …