Sunday , November 24 2024

Latero nahulog mula sa 30-piye bubungan, patay (Nagkukumpuni ng yero)

PATAY ang isang 51-anyos latero makaraan mahulog habang kinukumpuni ang bubong ng bodega ng isang  paper company sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Bonifacio Plantinos, residente sa Northwind, San Jose Del Monte City, Bulacan sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat kay Valenzuela police chief, S/Supt. Ronaldo Mendoza, dakong 2:00 pm nang mangyari ang insidente sa Vanhawk Paper Philippine Company sa 6400 Tatalon St.,  Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Napag-alaman, habang nagtatrabaho ay nakatapak ang biktima sa kalawanging parte ng bubong kaya lumusot at nahulog mula sa 30 talampakang taas.

Dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime Laboratory para sa autopsy examination habang nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang mabatid ang pananagutan ng may-ari ng kompanya. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *