Tuesday , December 24 2024

Kadiwa ibalik (Para siguradong walang gutom) — Imee

UPANG makontrol ang presyo ng mga batayang bilihin at pangangailangan at upang matulungan ang mga magsasaka na mabigyan ng tamang halaga ang kanilang mga ani, sinabi ni Gov. Imee R. Marcos, kailangan ibalik ang Kadiwa market system na matagumpay na ipinatupad noong panahon ng kanyang yumaong amang si  President Ferdinand Marcos, Sr.

Pangunahing pinaglilingkuran ng Kadiwa outlets noong 1970s ang mga naninirahan sa depressed areas na siyang konsyumer ng bigas at iba pang groceries na nabibili sa mas mababang halaga upang pagaanin ang buhay ng mahihirap na pamilya.

Ayon kay Marcos, ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbabalik sa Kadiwa market system ay isa sa mga prayoridad na dapat gawin ng pamahalaan upang tulungan ang mahihirap na pamilya lalo ang mga nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold level.

“We need to institute reforms in the food supply chain to address the problem of rising prices of basic commodities. At the same time, we can bolster our farm sector with the Kadiwa outlets firmly in place —the consumers buy farm produce at farm gate prices, parang ikaw mismo ang bumili sa magsasaka kaya talagang murang-mura at kayang-kaya ng bulsa,” ani Marcos.

Matatandaan, ang Kadiwa market system ay pinangunahan ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos, kung saan nabibili ang mga produkto at ani ng mga magsasaka sa presyong bukid.

Sa pamamagitan ng Kadiwa, napawi ang pag-aalala ng mga magsasaka na mabulok ang kanilang ani kapag hindi naibiyahe agad sa bagsakan (merkado) at unti-unti rin nabawasan ang mga middle man na siyang dahilan ng sobra o hindi rasonableng pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto.

Binigyang diin ni Marcos, upang maestabilisa ang presyo ng mga batayang ani o produkto, dapat itong bilhin ng pamahalaan kapag labis-labis ang supply at ipagbili sa publiko kung kinakapos na.

Kailangan ang gobyerno kapag mura ang presyo ng bilihin, bumili at mag-imbak para hindi aalagwa ang presyo; kapag tag-araw puwede nang magbitaw, pero hindi gaanong aangat ang presyo,” diin ni Marcos.

Inupakan din ni Marcos ang tinawag niyang ‘trenchant strategy’  na ipinagpipilitan ang importasyon ng bigas at iba pang produkto kaysa bigyang prayoridad ang pangangailangan ng mga magsasaka.

Parang kulang sa diskarte at mahusay na paraan, katulad sa NFA na sa halip rendahan ang presyo ng mga pagkaing butil, panay na lang angkat. Kailangan na natin palitan ang ganyang diskarte,” ani Marcos.

Binigyan-diin ni Marcos na dapat iligtas ang namamatay na sektor ng agrikultura sa bansa sa harap ng ASEAN integration.

Ang masasabi natin sa mga nakaraang taon ay naghihingalo na talaga ang sakahan sa bansa. Kailangan nating asikasohin ito, ipatupad ang kailangan (kasi) ang mangyayari sa ASEAN integration, matatanggal na ang import limit. Sa ngayon meron lang tayo hanggang ilang tonelada lang ang puwede angkatin, pagdating ng ASEAN integration, tatanggalin na ‘yun —mamamayagpag ang importers at traders, kawawa ang mga magsasaka natin. Kailangan ihanda natin ang lahat ng sektor lalo na sa agrikultura,” mahabang paliwanag ng Gobernadora.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *