Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, gustong maging leading man si Piolo

KUNG may mag-aalok, handa pala si Paolo Ballesteros na maging leading man n’ya si Piolo Pascual sa isang pelikula.

At okey na okey din sa kanya sakaling may mag-alok na maki-trayanggulo siya kina Piolo at Mark Bautista. 

Simpleng Tatsulok ang mairerekomenda n’yang titulo ng pelikula.

“Hypothetical” lang, ‘yung tipong “Paano kung…” ang mga tanong na sinagot ni Paolo sa sideline ng press conference kamakailan para sa latest n’yang pelikulang Amnesia Love.

Ang aktor na ‘di na itinangging na siya ay bading na gumaganap na lalaki sa ilang bahagi ng Amnesia Love.

Sa istorya, isa siyang bading na aksidenteng nahulog sa bangin, bumagsak sa dagat, natagpuan ng isang mag-asawa, iniuwi sa bahay nila para mahimasmasan.

Pero paggising ng bading, may amnesia na siya, at pati ang sexual orientation n’ya ay nakalimutan na n’ya. Iibig sa anak na babae ng mag-asawa na ginagampanan ni Yam Concepcion. 

May eksena nga sila ni Yam na maghahalikan ng lips-to-lips at magpapagulong-gulong sa beach sa tindi ng pagnanasa nila sa isa’t isa.

As usual sa press conference ng isang pelikula, pagkatapos ng formal na open forum, may group interviews at solo interviews na puwede nang magtanong tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa pelikula. Roon napag-trip-an ng ilang press people na tanungin si Paolo ng hypothetical questions na kung saan-saan napupunta.

Dahil sa libro ni Mark Bautista na umamin na siyang bi-sexual, at natsismis sa blind items noon na nagkaroon ng kaugnayan sa isang aktor, may press people na naisip agad na tanungin si Paolo kung sino ang pinapangarap n’yang maging leading man ‘pag gumanap siyang bading, ang mabilis n’yang sagot ay si Piolo nga.

At si Paolo pa ang nag-suggest na sakali ngang may mag-alok sa kanya ng pelikulang magiging leading man n’ya si Piolo, mas exciting kung isama na rin sa kanila si Mark.

Bilib nga siya kay Mark sa pag-amin ng singer-actor sa sekswalidad n’ya at pagtatapat sa estilong “blind item” tungkol sa mga nakarelasyon n’yang mga lalaki, bading, at babae.

Well, hypothetical lang nga ang mga tanong kaya’t hypothetical lang din ang mga sagot ni Paolo.

Tinanong din nga pala siya kung gusto rin n’yang gumawa ng libro tungkol sa kanyang buhay, ang sagot n’ya ay ‘di n’ya kailangan ang ganoong libro dahil “open book” na nga ang buhay n’ya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …