Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano, ‘di pa tatapusin (mga artista naka-block hanggang July)

HINDI totoong matatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin ngayong Pebrero na ilang beses naming nasulat dahil ito ang narinig namin noong nakaraang taon.

Naklaro namin ito nang makausap ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo T. Endrinal sa nakaraang celebrity screening ng Meet Me In St. Gallen nitong Martes ng gabi.

Nagtatakang sabi sa amin ni sir Deo, “Ha? Wala naman kaming sinasabing magtatapos na, saan mo narinig?”

Sabay sabing, “basta ang mga artista sa ‘Probinsyano’ naka-block sila hanggang July, alam nilang lahat ‘yun. Ang dami pang mangyayari, abangan mo.”

Kung marami pang mangyayari ay ibig sabihin maraming papasok na bagong karakters at tinanong namin kung sino-sino.

“Oo mayroong mga bago pero hindi ko sasabihin sa ‘yo kasi isusulat mo,” pabirong sagot sa amin ng TV head.

Naisip din naman namin na paano tatapusin ang isang programa na mataas ang ratings at maraming pumapasok na ads? Alangang ihinto mo ito gayung kumikita naman.

Kaya sa mga patuloy na sumusubaybay ng Ang Probinsyano, tuloy pa rin ang ligaya sa panonood nito pagkatapos ng TV Patrol.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …