Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Press Freedom Day sa 30 Agosto aprobado sa Kamara

APROBADO sa ikatlo at huling pagdinig ang panukalang gawing National Press Freedom Day ang 30 Agosto kada taon sa bansa.

Sa botong 210, naipasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill 6922, isinulong bilang pag-alala kay Marcelo H. del Pilar na kinikilalang ama ng Philippine Journalism.

Si Del Pilar na sumulat sa ilalim ng alyas na “Plaridel” ay ipinanganak noong 30 Agosto 1850.

Layon ng panukalang mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa buong bansa ukol sa kahalagahan ng malayang pamamahayag laban sa lahat ng uri ng karahasan sa nasabing larangan.

Pahayag ng may-akda na si Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, ang pagdedeklara ng 30 Agosto bilang National Press Freddom Day ay pagpapakita sa buong mundo nang pagkilala ng Filipinas sa “freedom of the press.”

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay mandato sa mga ahensiya ng gobyerno, tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), local government units, gayondin ang pribadong sektor, na bigyan ng pagkakataon ang kani-kanilang empleyado na lumahok sa alinmang aktibidad na may kaugnayan sa nasabing pagdiriwang.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …