Friday , November 22 2024

Magdyowa arestado sa P294-K party drugs

ARESTADO sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang mag-live-in na hinihinalang tulak makaraan makompiskahan ng P294,000 halaga ng cocaine at ecstasy sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga suspek na sina Russel Tan, 27, nakatira sa Rosmar Cage Restaurant, Loyola St., Morayta, Maynila, at Jazel Cabresos, 26, residente sa Nobelle House, Makati City, ay nadakip sa Room 21 ng Park Villa Apartelle sa kanto ng Quezon Avenue at  Examiner St., Brgy. West Triangle, ng pinagsanib na puwersa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pamumuno ni Chief Inspector Ferdinand Mendoza; Masambong Police Station 2 -Drug Enforcement Unit (SDEU), at Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-NCRO).

ARESTADO sa mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District ang magkasintahan na sina Russell Tan at Jazel Cabresos makaraan makompiskahan ng P294,000 halaga ng cocaine at ecstasy sa buy-bust operation sa isang apartelle sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw. (ALEX MENDOZA)

Ayon sa ulat, si Tan ay dati nang nadakip noong 12 Marso 2015 sa isang buy-bust operation ng PDEA sa Timog Avenue, Quezon City ngunit naglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kahapon, dakong 5:30 am, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba laban sa mga suspek makaraang makakuha ng impormasyon ang pulisya na patuloy sa pagtutulak si Tan kasama ang kanyang live-in partner.

Sa buy-bust operation sa apartelle, nadakip ang dalawa makaraan bentahan ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 21.50 gramo ng cocaine  (P215,000); 36 capsules ng ecstasy (P55,000), walong bote ng liquid ecstasy (P24,000); at iba’t ibang drug paraphernalia.  (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *