Friday , November 22 2024

Fred Lim tatakbo sa Maynila para alkalde

TATAKBO si Fred Lim para alkalde ng Maynila sa darating na halalan.

Ito ang binigyang-diin kahapon ng kampo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, bilang pagpapasinungaling sa mga tsismis na ipinakakalat umano ng kanyang mga kalaban sa politika na hindi na siya tatakbo sa 2019 elections.

Ayon sa abogado ni Lim na si dating city legal officer Atty. Renato dela Cruz, tiyak nang tatakbo si Lim sa darating na halalan at sa katunayan ay marami na ang nag-a-apply sa ngayon para sumama sa kanyang tiket bilang kandidato para bise-akalde, congressman o konsehal.

Sinagot din ni Dela Cruz ang mga katanungang natanggap sa social media at text messages ukol sa mga Facebook post na naglabasan nitong nakalipas na Kapaskuhan, na ipinakita ang mga larawan nina Lim at kasalukuyang alkalde na si Joseph Estrada na tila lumalagda sa isang dolumento.

Nakalagay sa ilalim ng larawan ang caption na, “Manila Mayor Joseph Estrada at Alfredo Lim, nagkaayos na.”

Ilang araw matapos nito ay isa pang retrato ang lumabas, na sina Lim at Estrada ay nagkakamay at ang caption ay “Sa isang ‘di inaasahang pagkakataon, nag-krus ang landas nina…Estrada at Lim na nauwi pa sa isang maikling pag-uusap habang nagkakape. Matapos nito, nagkamayan pa ang dalawang haligi ng lungsod…”

Niliwanag ni Dela Cruz na ang unang retrato ay kuha noon pang campaign period ng 2013, nang pumirma sina Lim at Estrada sa isang ‘peace covenant’ sa MPD Headquarters, na sinaksihan ng noon ay Comelec chairman na si Sixto Brillantes.

Ukol naman sa ikalawang larawan ay sinabi ni Raffy Jimenez, na tumakbong kandidato sa pagka-konsehal sa tiket ni Lim noong 2013, ito ay kuha sa ika-56 anibersaryo ng Philippine Constitution Association (PHILCONSA) sa pamumuno ng president nitong si dating Leyte Rep. Martin Romualdez at ginanap sa Manila Hotel noong September 26, 2017.

Ayon kay Jimenez, na miyembro rin ng PHILCONSA at kasama ni Lim noong kunan ang nasabing retrato, totoong nag-krus ang landas nina Lim at Estrada sa nasabing okasyon at sila ay biglaang nagkamay pero hindi umano totoo na nagkuwentohan sila at nagkape pa.

“It’s not true that they had a long talk and even had coffee. They were civil and courteous to each other but to say that they have kissed and made up is an exaggeration,” ani Jimenez.

Aniya, ilang segundo lang ang naganap na pagkakamay at walang pag-uusap na nangyari.

Ayon kay Dela Cruz, ang mga paglilinaw ay upang sagutin ang mga katanungan ng supporters ni Lim.

Nananatili umanong hindi malinaw kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng pagpo-post ng mga naturang retrato.

Binigyang-diin ni Dela Cruz na nananatili ang koneksiyon ni Lim sa kanyang leaders at supporters at tiyak na tiyak na tatakbong muli sa darating na eleksiyon.

(PERCY LAPID)

About Percy Lapid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *