Tuesday , December 24 2024

TRAIN hinarang sa Supreme Court

HINILING ng mga makakaliwang mambabatas nitong Huwebes sa Korte Suprema na harangin ang pagpapatupad ng tax reform law na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing measure ay “illegally ratified and enacted” dahil kulang sa quorum ang Kamara nang aprobahan noong 13 Disyembre 2017, ayon kay party-list congressmen Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna, Antonio Tinio ng ACT Teachers at Ariel Casilao ng Anakpawis.

Sa nasabing batas, kumakatawan sa unang package ng tax reforms ng Pangulo, epektibo nitong 1 Enero 2018, ay itataas ang buwis ng produktong petrolyo, mga sasakyan at sugar-sweetened drinks bilang offset sa binawasang personal income tax rates.

“The bogus ratification was slipped through when the members, especially its leadership, were not attending the session in Congress but outside its halls, with some even partying at a 5-star hotel,” ayon sa petitioners.

Niratipikahan ng Kamara ang tax reform bill sa huling sesyon nito bago ang Christmas break.

Sinabi ng petitioners, si Duterte ay nakagawa ng “grave abuse of discretion dahil, “he signed a document which is not a ‘bill passed by Congress.’”

Ang mataas na presyo ng pangunahing bilihin, “will be felt by those who do not even have payslips, by the farmer or fisher who have to contend with higher costs of production, and even by the unsalaried like a student or simple commuter,” ayon sa  petitioners.

“TRAIN is a deceptive bigay-bawi law for it takes away from the people what it gives in the form of regressive taxes which have long been oppressing the people,” pahayag ni Neri Colmenares, chairman National Union of Peoples’ Lawyers, na tumulong sa paghahain ng nasabing petisyon.

 

Dahil sa TRAIN
DAGDAG-SINGIL
SA KORYENTE
ASAHAN
SA PEBRERO

INAASAHAN ang pagtataas sa singil sa koryente simula sa Pebrero dahil sa ipatutupad na bagong buwis sa ilalim ng  Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.

Ngunit bago ito, may bawas-singil sa koryente ngayong Enero sa mga subscriber ng Meralco.

Ayon sa ulat, bababa ang singil sa koryente ng 53 sentimos per kilowatt hour sa bill ngayong Enero dahil sa pagbaba ng generation charge at iba pang charges.

Ang bahay na may konsumong 200 kwh hour ay makamemenos umano nang mahigit P105.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ito na ang ikalawang sunod na pagbaba sa singil sa koryente na may kabuuang 90 sentimos.

Ngunit simula sa susunod na buwan, tataas ang singil sa sandaling maramdaman ang epekto ng TRAIN law na tataas ang excise tax sa coal at mga produktong petrolyo na ginagamit na panggatong ng mga power plant para makagawa ng enerhiya.

Bukod ito sa muling ipapataw na value added tax o VAT sa transmission charge.

Sinabi ni Larry Fernandez, Head of Utility Economics ng  Meralco, mangyayari ang taas-singil kapag ipinataw ng mga supplier at National Grid Corporation of The Philippines, ang dagdag na singil sa Meralco.

“Mag-a- apply lang ‘yung excise taxes for purchases of coal this 2018. So if they have coal stocks from last year, wala pang excise tax ‘yon. Malamang magiging staggered effect ng excise tax,” sabi ni Fernandez.

Sinasabing 76 sentimos per kwh ang dagdag singil dahil sa excise tax at 7 sentimos per kwh para VAT sa transmission charge.

Ayon sa Meralco, maliit pa ang mangyayaring pagtaas kompara sa ibang distribution companies at power cooperatives dahil malaking bahagi ng supply ng Meralco ay natural gas na hindi sakop ng dagdag-buwis sa ilalim ng Train law.

Sa ilalim ng Train law, pinatungan ng P2.50 per liter na buwis ang diesel at gas. Habang itinaas sa P50 mula sa P10 per metric ton ang excise tax sa coal.

Gayonman, may panibagong yugto ng taas sa buwis sa mga produktong petrolyo sa susunod na dalawang taon.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *