MARAMI ang natatanggap nating reklamo laban sa Data Trail, ang official contractor para sa I-Card ng mga foreigner na iniisyu ng BI.
Nakapagtataka raw, sa kabila ng resibong binabayaran ng mga kliyente ay may extra ‘P500’ service fee ang sinisingil sa bawat I-Card na ipina-process nila?!
Wattafak!?
Hindi ba may official receipt na nga ‘yan?
Bakit naniningil pa ng limang daan na ‘under the table?’
Para umano i-expedite ang mga naturang I-Card kaya kinakailangan magbayad ng nasabing halaga!
Sonabagan!
Paanong expedite samantala inaabot nang ilang linggo o minsan ay isang buwan bago i-release ang I-Card nila?!
Sobra naman ‘yan!
Isipin na lang kung may 500 minimum I-Card ang ipo-process kada araw, ibig sabihin malinaw na 250k kada araw ang kinikita sa expedite ek-ek na ‘yan!
Hindi lang ‘yan!
Ang pagkaalam natin ay ilang administrasyon na ang dumaan ay nananatili ang “Data Trail” na ekslusibong nakakukuha ng kontrata ng nasabing I-Card!
Kaya naman parang pumipitas lang ng mansanas ang nasabing agency kung kumita ng kuwarta sa BI!
Aba, nagkakaroon pa ba ng bidding sa I-Card?
Ilang administrasyon na ang nakalipas pero nariyan pa rin ang “Data Trail” company. Hindi ba nararapat lang na magkaroon talaga ng totoong bidding para mabigyan ng pagkakataon ang iba?
Malay natin baka mas makabago ang teknolohiya ng ibang kompanya at ‘di hamak na mas mabilis ang proseso sa kanila?!
Wala pang “under the table” na Quinientos pesos!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap