NITONG nakaraang buwan ay ginawaran ng star rating ang Iloilo International Airport (IIA) at pitong iba pang airports sa Filipinas matapos nilang makamit ang on-time-performance sa Official Aviation Guide survey mula taong 2016 hanggang sa kasalukuyan.
Matapos din makamit ang parangal bilang ika-12 sa Asia’s best airports noong 2016 sa interactive website ng “The Guide to Sleeping in Airports” muli nga nitong nakamit ang star rating ayon na rin sa OAG survey na isinagawa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ang OAG star rating ay iginagawad sa mga airport na nagkakamit ng 600 operations a month bukod sa tinatanggap nilang 80% ng scheduled flights within a 12-month period.
Well, tayo naman ay natutuwa dahil sa tinamong parangal ng IIA pero tayo rin ay nagtatanong sa ating sarili kung deserving ba talaga ang IIA na sila ay makaungos sa iba pang mga airport sa ating bansa?
Sa atin kasing pagkakaalam, limitado lang ang dami ng flights ng nasabing airport kung ikokompara sa dami ng pasahero at flights ng iba pang paliparan gaya ng Mactan Cebu International Airport, NAIA I, II, III at pati na ng Kalibo International Airport (KIA).
Sa KIA lang ay 24/7 ang kanilang operations pagdating sa domestic and international flights. Umaabot sa 3,000 hanggang 5,000 pasahero ang dumaraan sa nasabing airport, sa domestic at international.
Doble ito sa dumarating sa NAIA na hindi bumababa sa 10,000 ang dumaraang pasahero araw-araw.
Hindi kaya mas karapat-dapat lang parangalan ang nasabing airports kung ang pagbabasehan ay dami ng flights at mga pasahero!?
Any comment on this CAAP DG Jim Sydiongco?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap