PAGKATAPOS ibalik ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Philippine National Police (PNP) sa anti-drug war, inihayag din niya kung sino ang papalit kay Director General Ronald “Bato” dela Rosa bilang hepe ng pambansang pulisya.
‘Yan ay walang iba kundi ang PNP’s No. 2 man na si Deputy Director General Ramon “Apol” Apolinario habang si DG Bato ay magreretiro sa Enero 2018, sa mandatory retirement age, 56.
Welcome Gen. Apol. Thank you and goodbye DG Bato.
Alam nating maraming pulis o opisyal ang malulungkot lalo sa mga ‘malalapit sa kusina’ ng PNP sa panahon ni DG Bato pero marami rin ang medyo natutuwa nang malaman na hindi na mai-extend ang kanyang termino.
Isa kasi sa mga obserbasyon sa liderato ni DG Bato ang kahinaan niya sa pagdisiplina sa mga scalawag na pulis na sangkot sa illegal gambling.
Bukod sa pagpapabalik sa mother unit ng mga scalawag na pulis, walang significant na nagawa si DG Bato para magmarka ang kanyang liderato sa mga kapwa pulis.
Gaya ng mga pulis na mahuhusay umano sa delihensiya ‘este gawaing intelihensiya.
Isa na ang Manila Police District (MPD), na isang opisyal ang malakas magpanggap na matinong pulis kaya nabibigyan ng magandang intelihensiya ‘este pwesto.
Parang takot na takot si DG Bato na disiplinahin ang mga lespu niya kahit ‘yung mga sinasabing nag-abuso sa pagpapatupad ng anti-drug war.
Anyway, kung bibilangin naman ang mga nagawa ng PNP sa ilalim ng liderato ni DG Bato ay masasabi nating nakatulong nang malaki sa peace and order ng bansa.
‘Yun nga lang, tila nagkaroon ng pang-aabuso. Hangad natin, sa pagpasok ng liderato ni Gen. Apol ay madisiplina niya ang mga pulis na delihensiyador na matitinik umano sa gawaing intelihensiya.
Gen. Apol, sila ang isa sa mga sumisira sa magandang pangalan ng PNP. Sila ‘yung tinatawag na masasamang nilalang kaya huwag kayong magpapalinlang.
Good luck generals Bato & Apol on your next endeavours!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap