Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PhilWeb e-Games stations online again?!

KUNG dati ay bingo, mahjong at tong-its, hindi na ngayon.

Maraming indibidwal lalo sa hanay ng mga housewife (pasintabi) po at mga  daily wage earner ang tiyak na muling magbabalik sa kanilang e-Games stations online.

‘Yan ay matapos muling makakuha ng ‘permiso’ ang PhilWeb Corp., sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para muling makapagpatuloy ng kanilang mga operasyon.

Ang PhilWeb Corp., na dating pag-aari ni Ro­berto Ongpin, ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, na oligarkiyang nagmomono­polyo sa e-Games.

Ang nasabing kompanya, na ngayon ay pag-aari ni  Gregorio “Greggy” Araneta III ay may e-Games sa mga internet café na ang operasyon ay gaya sa isang casino.

Sa pamamagitan ng teknolohiya, ang sino mang player ay maaaring makapamili ng kanyang laro sa 300 casinos kabilang ang baccarat, blackjack, slot machine games, video poker at sports betting.

Mula nang mapaso ang lisensiya ng PhilWeb Inc., noong August 2016, unti-unting ibinenta ni Ongpin ang kanyang 17 taon, selling 771.7 million shares o 53.75 percent ng kompanya sa mga Araneta.

“We’re ready to operate,” ani Araneta.

Ipinagmalaki ni Araneta, babalik ang PhilWeb para makapag-ambag ng pondo sa Pagcor pero ngayon ay sa ilalim na ng mga Araneta.

“We are grateful to Pagcor chairman Domingo and the entire Board of Directors of Pagcor for their faith in our company and for giving us the opportunity to deliver services to their electronic gaming operators once again.”

Abangan po ninyo, mga suki!

MAG-INGAT
SA FUND-RAISINGS
PARA SA MARAWI

MARAMI ngayon ang nangongolekta ng tulong umano para sa Marawi City.

Mag-ingat po kayo!

Lalo sa mga gumagamit ng pangalan ng local government units (LGUs), para maglunsad umano ng kanilang mga ‘raket’ na itutulong sa mga biktima ng Marawi.

Maraming gumagawa ngayon ng tarpaulin na isinasama ang mukha ng mga politiko na tumulong kuno sa fund raising para sa Marawi.

‘Yung iba naman, nagso-solicit kung kani-kanino gamit ang pangalan ng Pangulo o iba pang opisyal ng gobyerno.

Marami na po silang nabibiktima. Kay mag-ingat kayo mga suki.

Suriin o kausapin ninyong mabuti ang mga lumalapit sa inyo gamit ang Marawi victims. Huwag ninyong hayaan na ang mga tulong ninyo ay magamit ng mga sindikato

Secretary Vit Aguirre, go, busbusin ninyo ang mga organisasyon na ginagamit sa panghihingi para sa Marawi at sampolan ninyo.

Kayo namang mga ‘manloloko,’ malapit na kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *