Tuesday , December 24 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

War on drugs kailangan bang pag-awayan ng PDEA at PNP?!

MAGKAISA at hindi magsisihan.

Mukhang ‘yan ang dapat gawin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinusulong na giyera laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Pero sa nakaraang pahayag ni PDEA chief, Aaron Aquino, hindi niya nagustuhan ang statement ni PNP chief, Director General Ronal “Bato” dela Rosa, na kaya raw lumala ang rape at iba pang krimen dahil hindi sila kasama sa drug on war.

Magugunitang, ipinaubaya ng Pangulo sa PDEA ang  giyera kontra droga dahil sa pagkakapaslang sa teenager na si Kian delos Santos ng Caloocan police.

Sunod-sunod ang malalaking operations ng PDEA na ang pinakahuli nga ay sa isang hotel sa Bonifacio Global City (BGC).

At sabi mismo ng Commission on Human Rights (CHR), hindi nga tumigil pero lumiit ang bilang ng patayan.

Unfair daw ang statement na iyon, ayon kay PDEA chief Aquino.

Anyway, para sa inyong lingkod, hindi dapat magpabidahan sa isa’t isa ang PDEA at PNP. Mas dapat na mag-usap sila kung paano ang magi­ging kondukta ng kanilang operasyon ngayong nais nang ibalik ng Pangulo ang drug on war sa PNP.

Puwede naman nilang pagtulungan ang pagsusulong ng giyera kontra droga, ‘di ba?!

Unsolicited advice lang po kina  PNP chief, Gen. Bato dela Rosa at PDEA chief, Aaron Aquino, pag-usapan ninyo nang maayos at huwag ka­yong magpatusadahan sa pamamagitan ng media.

Aba, tuwang-tuwa po ang ‘drug lords’ kapag nakikita nilang nag-aaway-away ang iba’t ibang law enforcers dahil sa kanila.

Para pong si Taning ‘yang mga drug lord na ‘yan. Tuwang-tuwa sila kapag nag-aaway-away ang law enforcers sa bansa.

Kaya please lang, pag-usapan ninyo ang isyung ‘yan nang maayos.

‘Yun lang po.

GRUPONG PISTON
MAGWEWELGA
NA NAMAN?!

HINDI na naman natin alam kung kakanselahin ng maraming eskuwelahan sa Metro Manila ang klase sa Lunes at Martes (4-5 Disyembre 2017) dahil sa bantang welga ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Magwewelga sila bilang pagtutol sa planong phase-out ng jeepneys sa transport system ng bansa.

Tsk tsk tsk…

Malamang, pati iba’t ibang opisina magkansela ng pasok dahil walang masakyan.

O kaya ‘yung iba, kahit may pasok, hindi na lang papasok dahil mahirap nga namang matengga sa kalsada.

O ‘yung may sariling sasakyan ay maipit sa mga lugar na paglulunsaran ng welga.

Wala na bang ibang solusyon ang mga kababayan natin na miyembro ng mga militanteng organisasyon kundi ang magwelda, mag-rally o kaya ay makipaghabulan sa mga pulis?!

Hindi ba puwedeng, magsumite ng proposal ang PISTON sa gobyerno kung ano ang nakikita nilang mungkahi para hindi sila mawalan ng hanapbuhay?!

O kaya naman, i-approach ng Department of Transportation (DOTr) ang iba’t ibang transport groups at alamin nila kung ano talaga ang praktikal na solusyon para sa iba’t ibang grupo na mayroong iba’t ibang antas ng kabuhayan at pangangailangan?

Hindi pa puwedeng meet halfway muna ang iba’t ibang transport groups at ang DOTr?!

Usap muna mga boss tsip!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *