Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Metropolitan Association of Race Horse Owners MARHO

Pagdiriwang ng MARHO magsisimula na

IPADIRIWANG simula na ngayong araw at bukas ang mga pakarerang ng MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners) sa taong ito na idaraos sa karerahan ng Santa Ana Park, maliban diyan ay may iba pang malalaking pakarera na kabahagi sa MARHO ang tanggapan ng PHILRACOM (Philippine Racing Commission) para sa Rating Based Handicapping System (RBHS).

Ngayong hapon ay bibitawan ang pakarera ng PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) para sa mga bagitong mananakbo na may edad na dalawang (2) taon na kinabibilangan nina (1) Be The One, (2) Fire Dancer, (3) Triton, (4) Cabo Negro, (5) Foolish Heart, (7) Misha, (8) Electric Dreams, (9) Victorious Fillies at (10) DisyembreASais. Sa karerang iyan ay malakas ang dating mula sa ating bubwit ang mga kabayong sina Cabo Negro, Misha at Victorious Fillies, magkagayon pa man ay makibalita rin at isama lang kung sino ang mas mapipisil ninyong suportahan sa laban na iyan dahil pawang mga bago pa lamang.

Bukas ay lalargahan na ang pinaka-aabangan na 2017 PHILRACOM “Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup” na sinalihan ng apat na kilalang imported runners na sina (2) Hitting Spree, (2a) Sakima, (3) She’s Incredible at (5) AtomicSeventyNine, bukod sa kanila ay may solong lokal na nakasali na si (1) Messi. Sila ay maglalaban sa mahabang distansiya na 2,000 meters at may nakalaan na halagang P1.2M bilang guaranteed prize sa may-ari o koneksiyon ng magwawaging kalahok. May halagang P70,000.00 din na matatanggap bilang breeder’s prize. Ang lahat ng mga papremyo hanggang sa ikaapat na puwesto at mga tropeo para sa mananalo ay handog ng PHILRACOM sa pangunguna ni butihing Chairman Andrew Sanchez na patuloy na nagbibigay ng suporta sa industriya ng karera at sa ating mga karerista.

Isa pang pakarera ang pakakawalan ng PHILRACOM sa pangatlong takbuhan, iyan ay ang 2017 PHILRACOM “2nd Leg 3YO Imported Fillies Stakes Race” na sinalihan ng mga kababaihan na sina (1) Smokin Saturday, (2) Brilliance, (2a) Already Fiesty at ang masusubukan na si (3) Shukriya. Sila ay magtutuos sa distansiyang 1,800 meters.

Para sa anim na tampok na pakarera ng MARHO ay ang sumusunod: Una ay ang “2YO Juvenile Colts” na sina (1) Sheltex Magic, (3) Tapster at (4) Sotogrande, iyan ay handog ng PRCI (Philippine Racing Club, Inc.). Ang kasunod niyan ay ang “2YO Juvenile Fillies” na sina (1) It’s A Deal, (2) Sweet Luck, (3) Apo Island, (4) El Debarge at (5) Speedmatic na handog ng PHILRACOM.

Ang pangatlo ay ang “3YO Filly Mile Breeder’s Championship” na sina (1) Golden Hands, (2) Secret Affair, (3) Cerveza Rosas, (4) TenSeventeen at (5) Puerto Princesa na handog ng Andok’s Litson Corporation ni Mayor Leonardo “Sandy” Javier Jr. Ang ikaapat ay ang “3YO Colt Mile Breeder’s Championship” na sina (1) Boxmeer, (2) Salt And Pepper, (3) Shining Vic, (4) Mount Pulag at (5) Pangalusian Island na handog ni Mayor Leonardo “Sandy” Javier Jr. Ang ikalima ay ang “Breeder’s Sprint Championship” na sina (1) Kapayapaan, (2) Seni Seviyorum, (3) Song Of Songs at (4) Showtime na handog ng PCSO. At ang ikaanim ay ang “Breeder’s Championship – Classic” na sina (1) Lakan, (2) Pinagtipunan, (3) Bite My Dust at (4) Johnny Be Good na handog ng San Miguel Beer.

Sa ganda ng mga pakarerang iyan ay kung may panahon rin lang naman kayo ay mas makabubuting mapanood ang maaaksiyong karera na iyan mismo sa loob ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Kaya tara na at magkitakits kasama ang inyong mga klasmeyts. Goodluck at Happy Weekend sa inyong lahat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …