Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

18 luxury cars kinompiska ng Customs

KINOMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang 18 undervalued luxury cars na dumating sa Manila port nitong Oktubre.

Ang 12 Toyota Land Cruiser, tatlong Range Rover, dalawang Camaro, at isang McLaren ay galing sa Hong Kong, United Arab Emirates at US.

Binuksan nitong Lunes ng mga tauhan ng ahensiya sa harap ni BoC Commissioner Isidro Lapeña ang 12 container vans na kinaroroonan ng mga naturang sasakyan.

IPINAKITA sa media ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña ang 18 luxury cars mula sa Hong Kong, United Arab Emirates at United States na nagkakahalaga ng P107 milyon na nasabat sa Manila International Container Port (MICP), Maynila. (BONG SON)

Sinabi ni Lapeña, nawalan sana ng P75 mil-yon ang gobyerno kung sakaling nakalusot ang 18 sasakyan.

Paliwanag niya, nagkakahalaga ng P4.9 milyon ang kada Land Cruiser, ngunit P1.8 mil-yon lamang ang halaga nito na idineklara ng consignee.

Habang idineklara ng consignee na P1.5 milyon ang P8.5-milyon Range Rover; P1.1 mil-yon ang P4.1-milyon Camaro; at P4.3 milyon ang P14.8-milyon McLaren.
1
“There was an information, then we issued an alert order, This is under valuation, so this is technical smuggling,” dagdag ni Lapeña.

Iniimbestigahan aniya ng BoC ang broker na si Roy Lasdoce at consignee na Gamma Ray Marketing.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …